Mga Kuwento Ni Peanut

Tuesday, November 13, 2012

Mabuhay Ang Mani

Mahigit isang taon noong huli akong nakapagsulat sa blog ko.

Ang daming nang nangyari -- halo-halo. 


Pero sa tingin ko naman, sa panahong ito, magkakaroon na ako ng sapat na oras para harapin ulit ang pagbablog.


Kung tutuusin, hindi ako nagsusulat para lang sa iba, para may magbasa, o para magpasikat ng libog. Nagsusulat ako dahil maraming bagay na mahirap sabihin pero madaling ikuwento lalo na kung kakaiba ang pananaw ko kumpara sa iba.


Hindi rin ako malibog na tao na kung tuwing tatamaan ako ng ka-horny-han doon lang ako magsusulat. nagkataon lang siguro na nabiyayaan ako ng makamundong pag-iisip na minsan kahit sa jeep, mabilis umaandar ang utak ko.


May talino rin naman akong taglay kahit papaano.

Hindi ko kayang sumabay sa mga batikan at matagal nang nagba-blog at wala rin akong balak humabol.


May magbasang blog ko o wala, alam kong isang imahinasyon, karanasan o pangarap nanaman ang naisambulat ko at di na kailangang magtiis sa pagtitimpi dahil kung ikukuwento ko to kahit kanino, walang makakasakay.


Mabuhay kayo!

Mabuhay ang Mani ko!

Monday, January 24, 2011

May Blog Pala Ako!

Akalain mo nga naman, may blog pala ako ni hindi ko man lang maasikaso dahil sa gulo ng buhay ko...
Nakatiyempo rin ng oras na imbes na magdukit, naisipan kong harapin ang napagkaitang blog na ito...
Oo na! Ipinagpalit ko ang makamundong pag kalikot kesa harapin ang pagba-blog at pagkukuwento ng mga masisiling bagay...

Pero, honestly, tinamad lang ako. Nawalan ako ng inspirasyon...
Naubos ang mga bagay na nakakapagpakiliti sa utak ko...
Naging 'stagnant' ang utak ko nong mga nakaraang linggo. 
Hala, halos lahat yata ng sakit inangkin ko na...
Ulcer! ilang araw kong iniyakan ang namimilit kong tyan...
Migraine! Sa malas nga naman, bigla na lang halos araw-araw yata eh inaatake ako nito! Kulang na lang ilagay ko ang isang platitong advil sa tabi ko at papakin itong parang mani.
Sakit sa puso! Oo, nakakaramadam din ako ng sakit na ganito. Hindi naman lahat ng laman ng utak ko kalibugan, may puso rin ang mani! kumikirot din ang mani este ang puso ko.

Ilang araw din akong nagkulong sa kwarto ko.
Pagkagaling ko ng opisina, kwarto lang ako hanggang magutom.
Pagpatak ng gabi...rarampa nanaman sa opisina.
Naging napaka-boring ng ilang linggong pananahimik ko kaya ni isa ngayon wala akong maisip ilagay...

Kailangan ko ng inspirasyon!!!!
Kailangan ko para mabuhay ulit ang nalulugmok kong diwa.
Kailangan kong madiligan...

Nakakatuyo ng utak ang tumanga at manahimik...
Mahirap ding hukayin ang tamang mood lalo na kung araw araw kang pagod sa trabaho at pagod sa ingay ng mga putanginang reklamador sa paligid mo.



Template by:
Free Blog Templates