Mga Kuwento Ni Peanut: March 2010

Saturday, March 27, 2010

Kiss And Tell

Para sa mga kalalakihan, malamang may idea na kayo kung anu-ano ang mga pinag-uusapan ng babae kapag kami naman ang nagpapakalasing at wala kayo para ikahiya namin ang mag share ng aming mga puna. Pero mas gugustuhin mo sigurong mas malaman pa ng mas detalyado kung ano nga ang nilalaman ng aming usapan.
Para sa akin, mas gusto kong uminum na kami-kami lang ng aking mga babaeng kaibigan, mas nakakapaglabas ako o nakakapagbitaw ng opinion ng malaya dahil pare-pareho naman halos kami ng hilig.
Numero unong topic ay ang lalake. Hindi kailanman mawawala ito sa usapan at hindi ako papayag baka bigla na lang akong magpalpitate. Mapapansin mong mas gaganda ang usapan kung hahaluaan mo ang grupo ng bakla mong kaibigan na ipinagpipilitan na sya ay bisexual pero sa nakikita namin sya ay isang ganap na binabae (Jhed, tanggapin mo na kc puta!). 
Since sanay na kami sa company ng isa't-isa, walang pretentions.
Hindi ko alam kung bakit nakikiliti ang mga babae at ang mga kabaklaan kung ang topic ay Nota. Ano ba ang meron sa putangnang Nota na yan at lagi itong bida sa usapang-lasing ng mga kababaihan?
Madalas pag-usapan ng mga babae ang kanilang latest sex experience..pambungad pa lang yan sa napaka-habang gabi ng inuman. Kasama sa kuwentong yan ay kung sino, saan, at papaano, nakailan, at ang pinakamapaghusgang katanungan---Nasarapan ka ba? Kung maririnig lang siguro ng lalake ang kadalasan naming sagot na "pwede na," Isa itong kuwestyon sa kaniyang pagkalalake at kakayanang makapagpaligaya. 
Napag-uusapan din namin ang mga sukat ng Nota. Doon lumalabas ang pagka-bakla ng isang babae. Mapapansin mong kiliting-kiliti ang mga tawa kapag Nota na ang pinag-uusapan. Kahit sigurong babae na tatahi-tahimik at nagpapaka-feeling virgin at inosente ay mapapaliyad pagnakarinig ng gantong usapan. 
Malaki ang pagkakaiba ng usapang-lasing ng mga babae sa lalake. Ang mga lalake hindi detalyado magkuwento at kahit isang salita lang ay kaya na nilang i-describe ang isang bagay. Hindi katulad ng mga babae--masyadong detalyado, masyadong madaming salita ang ginagamit bago matumbok ang gusto niyang sabihin. Tulad na lang ng gantong pag-uusap:


Girl one: Mare, kamusta ang aura mo kagabi? Malaki ba?
Girl two:  Ay grabe! Hindi kinaya ng bangs ko ang sukat Mare! Nangawit ang jaw ko, ang sakit nga pagtumatawa ako, tapos sasabayan pa ng hapdi ng pim-pim ko. Piligroso mare!
(at ang ibig lang sabihin ni girl number two ay malaki ang nota ng naka-booking nya kagabi)


Pag ang lalake nagkukuwentuhan, hindi ganito ka personal.


Lalake one: Tol, kamusta lakad nyo ng GF mo kagabi? Magaling ba?
Lalake two: Okey lang tol, Giling na giling. Ang sarap. Parang pornstar lang!
(hindi nila pinag-usapan ang sukat,lapad at pakiramdam pagkatapos nila itong gawin)


Masarap talaga makinig sa usapang-lasing ng mga babae..andun na lahat! Mga kwentong pag-ibig na sasabayan pa minsan ng pag-iinarte at may biglang iiyak, mga kwentong jer-jer na kakapulutan ng aral para sa mga baguhan pa lamang,kwentong pamilya, kwentong jowa, kwentong booking, at iba't ibang uri ng kwentong nakakaaliw sa tenga.


Hindi ko nilalahat ang mga babae sa usapang ito. ANg gusto ko lang sabihin ay siguro nga..mas malalandi ang mga kaibigan ko kesa sa ibang babae dyan.
At inaamin ko, malandi rin ako at gustong-gusto kong mapag-usapan ang mga bagay na ito kasama ang aking mga kaibigan na hindi huhusgahan ang pagka-babae ko o ang mismong pagkatao ko dahil lamang sa one common interest namin...ang Nota.

Tuesday, March 23, 2010

Taste Buds

 Wala pong kinalaman ang larawan na yan. like ko lang pong ilagay dahil sa hindi maunawaang dahilan.
Medyo nakakapraning ang naisip kong topic sa araw na ito at alam kong kapupulutan ng aral ang bawat sasabihin ko. Ito ay tungkol sa spunk! Oo, ikaw na nakakabasa nito, tama ang nakita mo, ang topic ko ngayon ay tungkol sa 'ejaculated semen' ng isang lalaki (malamang). Uulitin ko, I don't give a fuck kung iintrigahin mo ang blog ko or dededmahin..sapagkat!! Blog ko ito!!
Marami na rin tayong naririnig tungkol sa spunk (mas maganda yata kung tawagin natin itong Tamod o Binhi ayon na rin sa wikipedia). Sa katunayan, marami rin mga kasabihan na hanggang ngayon ay walang linaw kung ito ay totoo dahil wala pang nagpapatotoo sa akin nito.
Unang kaloka: Ang paglunok ng binhi ay hindi kailanman nakakabuntis--tanging mga nagpapakainosente at nagpapakyut lang ang nagsasabing oo.
Pangalawang kaloka: Ang pagpahid ba ng binhi sa mga parteng like mong tubuan ng buhok--mapa-goatie yan,bigote or balbas sa pisngi ay epektibo...may nagsasabing oo ngunit wala pa akong nahanap na konkretong kasagutan tungkol jan.
Pangatlong kaloka: Ang binhi ay nagtataglay ng mga sangkap na maaaring makatulong sa ating kalusugan...
Yan ang tutumbukin ko ngayon.
Ang binhi ay 90% seminal fluids na kinapapalooban ng halos isang dosenang chemical components.
   -Sugars: Fructose, sorbitol, inositol
  -Proteins and amino acids: glutathione, deoxyribonucleic acid (DNA), creatine 
  -Minerals: Phosphorus, zinc, magnesium, calcium, potassium
  -Vitamins: Ascorbic acid (vitamin C), vitamin B12, choline
  -Hormones: Testosterone, prostaglandins
  -Body byproducts: Lactic acid, urea, uric acid, nitrogen
Oh, dibah, talagang nagreasearch pa ako. Gusto ko lang din kasing malaman kung ano ang mga benepisyong makukuha ko kapag hindi sinasadyang makalunok ako nito (pwede ba yon, ano yon? nadapa na lang ako tapos bigla kong sasabihin na : ay nakalunok ako ng tamod syet!).
Kung ako ang tatanuning, kung handa ba akong kumain ng binhi, naisip ko itong mga bagay na ito:
  1. Malinis ang paglunok ng binhi (tidy)--mas messy kung hahanap ka pa ng pagduduraan na towel tapos lalabhan mo pa ito kinabukasan.
  2. Mas mabilis--hindi ito time consuming--hindi mo na kailangang tunakbo sa banyo para lang idura ito.
  3. Nakakapagparelax ito sa iyong partner--para sa lalaki, nakakatensyon talaga ang blowjob at kadalasan ay hindi nila gaanong na-eenjoy ang climax, kaya ang payo ng mga eksperto ay ituloy ito hanggang sa sumabog ang iyong partner, at kung hanggat maaari, suck him dry.
  4. Meron itong symbolo noong unang panahon. Ang akto ng paglunok ay nagsisignify ng pagtanggap,blessing at complete transformation.
  5. Simbolo ng paggalang: para kang nakipag toast ng isang baso ng champagne at matapos mo itong inumin ay idudura mo lang? Wag maging bastos.
  6.It is environmentally friendly--sabihin na natin ginawa niyo ito sa isang public park or sa isang sinehan, mdadagdagan ang kalat na tissues and paper towels at pag hindi naging maayos ang pagkakadispose nito ay maaaring makasira sa kalikasan at makakadagdag pa ito sa landfill problems.
Pero sa bandang huli--nasa sa inyo pa rin ang desisyon na Lunok or Di-Lunok.
At para sa mga interesado, siguraduhing healthy ang inyong partner. Lagi sana nating tandaan na "You Cum What You Eat". Konting payo lang kung ano ang dapat ipakain sa inyong parnter para naman hindi kagimbal-gimbal ang lasa ng kanyang binhi--maaari niyo syang palantakin ng pineapple juice,mga citrus fruits at cranberry juice,apple,melon,mango or grape para sa mas matamis na pagmamahalan.
Kaya lagi sana nating tandaan, ang binhi ay buhay...huwag sana nating aksayahin ang mga ganitong bagay dahil hindi lahat ay masarap. kakaunti na lamang siguro sila sa tingin ko..bakit kamo? Sikreto, walang clue. 




**Salamat kay Philip sa pagbibigay ng pahintulot na ilagay ang piktyur ng kaniyang kapatid na si Derek sa blog na ito habang siya ay umiihi.
 

Monday, March 22, 2010

Galit Ako Sa Lindol

Hindi sakuna ang ibig kong sabihin sa title ng blog ko. 
Nagkaroon kasi kami ni boypren ng pwet names sa aming mga kwan para kahit mag-usap kami ng malakas ay konting kirot ng malisya lang ang maiiisip nila. Kaya dahil sa ideya kong yon, tinawag naming Peanut ang akin at Lindol naman ang kaniya. Ayan, medyo may depinisyon na ang salitang Lindol At Peanut sa makakabasa.
Sa oras na ito, alas-sais ng gabi, nagkaroon kami ng konting hindi pagkakaunawaan ni Ram. Tangina kasi, Manila to Davao na nga ang set-up kailangan ko pa ring makipag-agawan ng atensyon. 
Maigi na lang sana kung babae ang dahilan ng pag-iinarte ko...nakakahiyang aminin, madalas kasing kalaban ko sa atensyon nya ang pagluluto, paghuhugas ng pinggan, at ang kaniyang character sa isang online game. Ang babaw pero gusto ko syang tanuning kung may plano pa ba syang maka-kain ng maning buhay? Kasi kung hindi sya interesado, madaming manginginom dyan sa tabi na namumulutan ng mani...at hindi ako mapapahiya.
Kung hindi ko mahal ang putanginang yon...hahayaan ko na lang kalimutan ang lahat at ibaon sa aking mani..i mean isipan ang kaniyang Lindol na syang inspirasyon ko  sa araw araw na pagtahak ko ng aking buhay.
Kung tutuusin, ang laking sagabal sa aking isipan si Lindol. Pagnasa opisina ako, halos kainin ng isipan ko ang maugat na si Lindol. Tapos pag-uwi ko at atat na atat akong makausap sya minsan hindi ko pa makontak o minsan may ginagawa. Lalo na't tangina--laging brownout sa ibang panig ng Pilipinas kaya pakiramdam ko, kahit ako apektado. Pano ba naman, pagnalowbat ang gago, paano na? 
Sa puntong ito, galit pa rin ako kahit bigla syang nag buzz at i-announce na pwede na kaming mag-usap. Minsan gusto ko syang tanungin...canteen ba ang bahay nyo at madalas ikaw ang nagluluto, naghuhugas at nag lilinis? tapos runner din sya ng kaniyang ama na panay ang utos na minsan naririnig ko sa kabilang linya. Tae kasi mga kapatid non, sana matuluyang ma-stroke ang mga hinayufak.
Ayan..nag YM si Ram..
As usual sorry si gago...
Miss ko lang talaga sya kaya nagpapakademanding ang lola mo! 
Miss ko ren Lindol na araw araw SANA abot-kamay ko lang para kahit wala sya may Lindol ako. Pero malabo...kasi nakadikit si Lindol kay Ram.
Mabilis uminit ang ulo ko dahil una, malayo sya sa akin at ang hirap maghintay, pangalawa, magbiro ka na sa lasing at bagong gising wag lang sa  taong tigang.


P.S.
Bati na kami bago ko natapos ito kasi...ano.

Noong Bata Pa Si Peanut

Kapag tinatanong ka kung ano ang pinaka hindi mo makakalimutang pangyayari sa buhay mo, kadalasan ang tatakbo sa utak mo e yong bata ka pa. Masarap maging bata kasi lahat ng gawin mo ay palaging may excuse. kadalasang sasabihin ng magulang mo ay "yaan na, bata pa naman yan hindi niya pa naiintindihan".
Meron isang pangayayri noong bata pa ako na hindi ko alam kung katanggap-tanggap ba sa aking magulang o baka pati hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito malimot.
Mahilig tayo nong bata pa tayo sa mga babasahin at lalong gusto natin (ko) yong maraming piktyur na kahit hindi mo na basahin basta't tignan mo lang ang nasa larawan ay alam mo na agad ang istorya sa libro.
Madalas na ako lang mag-isa sa bahay namin noong bata pa ako. Mahilig akong tumambay sa loob ng kwarto ng aking magulang para pudpudin ang kaniyang mga make-up, maligo sa pabango at magbuklat sa aparador. Sa malas ko, nakakita ako ng isang magasin na nakaipit sa ilalim ng mga twalyang masinop na nakatupi. Ang gara ng cover! Dalawang babaeng naka two-piece at isang lalaking naka-boxers ang nakita ko doon. Inakala kong isa itong fashion mag dahil sa hindi ko naman naiintindihan noon kung ano ang nakasulat sa cover...masyadong malalim sa isipan ko kung anong ibig sabihin ng cock, pussy anal, cumshots, (atbp). Binuklat ko ang mga pahina ng magazine na yon at nagulat, namangha, natakot, at nadumihan kasi yong magasin na yon ay nagkukulay brown na ang mga pahina tapos may mga ngatngat pa ng daga sa mga dulo. Agad ko itong dinala sa aking silid at pinagmasdang maigi ang bawat piktyur na nakita ko. Inaamin ko naman na sa isipan kong yon, kahit konti ay may nalalaman na ako tungkol sa mga bagay na nakakapagpabuhay ng damdamin..pero dahil sa bata pa ako, walang importansya sa akin ang nabasa at nakita ko.
Dumating ang panahon na natuto akong magshare sa aking mga kalaro. Dinala ko ang magazine na ito sa bahay ng aking mga kaibigan at kani-kaniyang opinyon ang bawat isa. Ang sarap nga kasi walang malisya.
Syempre pa, walang sikretong hindi nabubunyag. Gabi yon at nagpaalam ako sa aking mudjay na pupunta lang ako sa aking mga kaibigan. Parang nakaamoy si Mudjay kaya nagmamadali akong lumabas ng pinto.


Mudjay: ano yang nasa likod mo at nakatago pa sa damit mo?
Ako: Wala po mommy..Ito po yong book na bigay mo na collection ng stickers..
Mudjay: Patingin nga? 


Sabay hila sa magazine na naka-rolyo at naka ipit sa aking shorts na nakatago sa likod ko.
At dahil nga ang babasahing yon ay natagpuan ko sa kanilang kwarto, alam agad ni Mudjay kung saan at kung paano napasa-akin ito. Ang akala ko ay papagalitan ako ng bongga at itatali sa poste sa gitna ng plaza at susunugin..pero nagulat na lang ako sa kaniyang naging reaksyon. Natahimik sya at biglang umalis sa aking harapan. Shit! yong pakiramdam na yon ang di ko makakalimutan kasi mula ng araw na yon, hindi na makatingin ng diretso sa akin si Mudjay...at malamang, nasabi na rin nya ito sa aking Ama.
Hindi ko pwedeng sabihin na noong panahon na yon ay ignorante pa ako sa mga bagay na nakita ko sa magazine na yon...may konti na rin akong nalalaman tungkol sa mga bagay na yon.
Minsan ko na ring hindi sinasadya na mabosohan ang aking magulang, at hindi rin maiwasan na mapag-usapan yon ng aking mga kaibigan sa kalye at pati na rin sa aking eskwelahan.
Pero mas naging matindi ang pagbukas ng isip ko nong makita ko ang mga piktyur ng mga babae at lalakeng nakahubad, subo dito subo doon, pasok dito pasok doon, himas dito lamas doon, dura dito clorox doon...hindi ko kasi kayang i-detalye dahil baka bigla akong mawala dito sa harap ng kongkyuter  at tumakbo sa silid sa ilalim ng aming hagdan.
Mas malandi siguro ako ngayon kung hindi umalis ang aking Mudjay at sumama sa lalaking mas yummy kesa sa aking Ama...mas marami pa siguro syang maituturo sa akin (educational).


Wala akong natutunan sa kwento ko. Share share lang ang drama.
Hindi naman siguro mahalaga ang aral na napulot ko sa karanasan na yon..ang mahalaga nagagamit ko ang mga karanasan ko para maging mas mabuting tao at mas magaling sa kama...which i know for a fact...that only a few women can make their men crave for more(on the same night). 
Isang talentong hindi naituturo pero pwedeng i-share.


Antok na ko.


P.S
Mommy, miss na kita.

**Elementary days, salamat sa mga kaibigan ko sa St. Paul College of Pasig na syang nag-elaborate ng laman ng magazine na yon.

Saturday, March 20, 2010

Phone Sex

Medyo pa-demure lang muna ako sa title para naman hindi gaanong malaswa. Nakakahiya na rin kasi baka kung anong sabihin ng iba pagtinagalog ko ang title ng blog na ito. Inisip kong masyadong maaga para sa kalibugan pero inuulit ko...blog ko to.
Masarap mag eksperimento habang humihinga ka pa at may asim pa. Marami kang naiisipang gawin. Pero nong nakaraang taon, disyembre , mejo nag upgrade nanaman ako ng aking personal na pamumuhay.
Nagkaroon ako ng isang relasyong hindi ideal sa nakararami. Naging Manila to Davao ang drama naming dalawa ni Ram. Nong una wala talaga si isip ko ang gumawa ng bagay na labag sa cycle ng nature. Kaso lagi kong sinasabi na kung may nagagawa man ako na hindi ayon sa iba..tao lang ako..nag-iinit din.
Dumating ang panahon na halos araw-araw na kaming nag-uusap ni Ram sa selepono (salamat sa unli ng globe). Siguro sa sobrang wala kaming mapag-usapan at imbes na pag-usapan namin ang naikuwento ko na kahapon, naisipan kong itaas ang level ng aming usapan. Hindi ko alam kung sanay siya sa ganong usapan..anong uri ba ng usapan kamo? Usapang malaswa..hindi ko rin sigurado kung okey sya sa ganong klase ng takbo ng usapan pero siguro, parehas kami ng dahilan, tao lang..at walang mawawala. 
Nagsimula sa pagtatanong kung kelan nya huling ginawa ang pag (anu ba ang matinong salita para sa pagbabate?)...ang pagto-toy ng kaniyang ano. Walang kyeme nyang sinagot ito na medyo matagal na nga raw. Normal na umikot ang usapan sa ganon. At hindi rin naman ako nagsinungaling nang sabihin ko kay Ram nakakagawa rin ako ng bagay -bagay na ako lang ang nakakakita..at alam mo na siguro ang tinutumbok ko.
Kaya nagfeeling dominante naman ako at nag-utos na akala mo ay sex slave ko sya. At sa inaasahang nangyari, sumunod naman sya na gawin ang mga pinapagawa kong bagay na makamundo (?).
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagsasabi nya na mas maganda siguro kung marinig naman kitang ginagawa mo rin yon. At dahil madalas ay hanggang salita lang naman ang tapang ko sa ganon, agad akong naghanap ng parte sa aking bahay na kung saan malaya akong makakapag labas ng aking sabik (?). Pinili ko ang kwartong nasa ilalim ng hagdan. Dahil nga sa hindi ako marunong kung paano ang gagawin sa ganong sitwasyon, hinayaan ko na lang ang bibig ko na magsalita ng mga bagay na sa komiks mo lang mababasa. Ang mga salitang "oohhh..ahhhh(sabay bigkas ng pangalan ng kausap)"...Kung naranasan mo nang magbasa ng komiks sa xerex, alam mo tinutukoy ko.
At dahil nga sa tao lang ako, at kahit sinong tao sa mundong ito ay kayang-kaya mag-astang baboy, nagawa ko ito with flying orgasm. Oo...ask mo si Ram.
Natapos ang episode ng usapang yon sa selepono ng may kasamang hingal at gutom. 
Kahit ako, hindi ako makapaniwala sa sarili ko na pers taym ko lang nagawa ang bagay na yon. 
At hindi rin lang naman yon ang naging huli...nasundan ng nasundan yon ng hindi ko iniisip kong maganda ba or ang sagwa. 
Lahat naman ng tao may duming itinatago, lahat naman ng tao ay may kamanyakang angkin..yon nga lang, hindi pa nila gaano naeexplore ng maigi dahil na rin siguro sa kanilang pananaw na makitid...


Friday, March 19, 2010

Vibrator

Bakit nga ba ang ilang babae ay kailangan ng isang gantong bagay kung marami namang lalaking nagkalat sa tabi-tabi at hindi nauubos? Bakit nga ba kapag nalaman ng ibang tao na meron ka nito ay ikaw na ang pinaka mahalay na tao sa balat ng lupa? Bakit kailangan pang bumili ng gantong bagay kung pwede namang gamitin ang iyong daliri at meron ka pang pagpipilian kung anong sukat ang gusto mo? Bakit nga ba meron ako nito?

Bumili lang ako nito dahil sabay kaming bumili ni Abby ng vibrator sa Metrowalk. Nakakatuwa kasi sila. Iba`'t-ibang kulay, hugis, at istilo ng pagpapa-saya. Pagkatapos namin bilhin yon hindi naman akong parang bata na masyadong atat pag uwi sa bahay ay ite-test drive agad. Nung una kunwari pa akong nahihiya sa sarili kung bakit ako gumastos sa bagay na pwede ko naman matikman kung kelan ko gusto. Hindi ko siya sinubukan agad. Nahihiya ako na natatakot din. Mejo kasi napalaki yata ang nabili ko...masyado yata akong nageexpect. Kung sa bagay...mas nakakatakot yung nabili ni Abby kasi may kasama pa itong belt! 


So dumating ang araw na una ko syang gagamitin..hindi naman ako naging emotional. Hindi ko rin kinailangang magsindi ng mga scented candles sa paligid ng kama ko para kunwari feel na feel ko. Masyado lang talaga akong bored nong time na un. Todo anti-bacterial keme ang ginawa ko sa kaniya. inadjust ko ang kaniyang setting at nagulat ako sa naging reaction niya..gumalaw siya na parang uod...na may kasamang panginging. Kakaiba na talaga ang teknolohiya. Inadjust ko ulit sa mas mabagal na na setting at nagsimula. Hindi ako sanay sa ganon kaya napa angat ang aking pwetan. Mejo kasi masakit na nakaka-kiliti. Sinubukan ko siya ulit at ang mga sunod na pangyayari....langit.


Meron akong ganto hindi dahil sex addict ako...hindi rin dahil wala akong lalake na makakapagpasaya sa akin...
Meron ako nito dahil ito ang choice ko...
Hindi man nakakatuwa...hindi rin naman nakakalungkot...at feeling ko pa nga...
mas lamang ako sa ibang babae dahil kinaya kong pumasok sa isang tindahan ng mga vibrator, kinaya ng bulsa kong makabili ng de-bateryang laruan, at kaya kong sumaya kahit anong oras ko gusto.


Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.
Blog ko to.

Wednesday, March 17, 2010

Relasyon

Sa edad kong beinte-tres, hindi ako magugulat kung kaunti lang ang sineryoso kong lalake. Pero sa tinamaan ng lintek, konti lang ang nagpasaya sa akin sa mga iyon. 
Kung ngayon ko iisipin...iba't-ibang uri sila ng pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin (korni na). Meron din akong naging ka-relasyon na alam ko ang mukha pero hindi ko na talaga maalala ang pangalan niya siguro dahil highschool pa lang ako.
Tutal, hindi ko naman isiniwalat ang pangalan ko..ang sarap bigyan ng pangalan ang mga lalaking gumapang sa buhay ko...
Si Francis. Highschool pa lang ako sa aking exclusive school nung makilala ko siya dahil kaibigan siya ng busmate ko. Highschool ako at kolehiyo siya sa isang Engineering school sa Bandang Aurora Blvd. Doon ko naranasan ang kauna unahang halik na mejo mamasa-masa (wa ko keyr pagnandiri ka). Naalala ko noong niyaya niya ko sa kanilang bahay at padiretsuhin sa kaniyang kuwarto...hindi ko alam ang gagawin ko non dahil kulang ako sa kaalaman tungkol sa lalake sa mga panahong iyon...pero di nagtagal...matapos ang mga sulat (cheesy na), mga atungal at habol sa kaniya.iniwan ko siya ng wala siyang nakukuha sa aking pagkababae..hehe.
Si Dodie. Oo, highschool ulit iyon at anim na taon ang tanda noon sa akin. Naalala ko na sa Don Bosco nag-aaral ang gago nung panahong iyon. Sa relasyong ito umabot ako sa pinakamapusok na paraan...ang half-body bliss. Pero naghiwalay kami dahil sa isang kapitbahay niya na sakang at walang kilay.
Si Bryan. Dito ko masasabi na nagsimula akong magseryoso. Kolehiyo na ako nong makilala ko siya. Naging sobrang maalagain niya sa akin. Halos napaka emotional ng aming naging pagsasama at hindi ko kayang ikuwento kung bakit..basta naging madrama kami sa isa't-isa.
Hindi ko sa kaniya naranasan ang maloko, mabastos at maiwan sa ere. Ibang klaseng alaga ang naramdaman ko sa kaniya. At dito rin ako unang bumigay. Naganap ang lahat sa kaniyang boarding house. Nagsama kami na parang mag-asawa at ang kaibahan lang, hindi kami nakatira sa isang bahay. Ang sarap ni Bryan. Siya yong lalaking kahit ilan ulit akong saksakin at paluin ng tubo sa ulo ay hindi ko kayang kalimutan. Pero natapos din ang lahat sa napakahalagang pangyayari na hindi ko rin gustong sabihin ngayon.
Si Mike. Naging sandali lang kami ni Mike. Hindi dahil sa hindi siya kasing-sarap ni Bryan, ito ay dahil ang sakit pa sa ulo ng hangover ko sa aking ex. Sa trabaho ko na ito nakilala. Hindi rin naging mainit ang sex dahil walang halong emosyon.
Si Animal (hindi tunay na pangalan). Dito ko naranasan ang pang-aabuso ng isang lalaking hindi naman nagpakain at nagbigay buhay sa akin ay ganun-ganun na lang ang trato sa akin. Minahal ko ang animal na iyon. Sobrang-sobra kaya hinayaan ko lang gawin niya ang gusto niya sa aking makirot na katawan. Halos murahin ko ang aking sarili sa pagtatagal sa relasyong pumapatay at nagpapa-asul sa aking kutis. Pero sa sobrang tanga ko, naniniwala akong mahal niya ako.Putangina sa kaniya ko naranasan ang halos patayin ko ang sarili ko noong una niya akong iwan, pati sa pangalawa. Pero naging mahalaga sa akin ang pagmamahal ng aking pamilya sa animal na iyon. Makalpias ang dalawang taon, nagbago na ang lahat. Pinamanhid ako ng lalaking ito na mas grabe pa tumalak kaysa sa babaeng nagtitinda sa palengkeng maputik. Iniwan ko siyanang may dala-dala akong galit sa dibdib ko. Pero hindi ako natutong lumaban sa kaniya...iyon ang pinagsisihan ko.


Iyon ang mga pangalang tumatak sa aking isip kahit na alam kong meron pang iba na hindi na kailangan mabanggit dito dahil hindi ko itinuring na relasyon nga ang naging pakikisama ko sa ibang lalaki na naging bahagi ng oras at panahon ko.


Sa ngayon, masasabi ko ngang ako nanaman ay nasa isang relasyong mahirap ipaliwanag. Dahil sa ngayon, alam kong mahal ko ang taong kakasend lang ng isang makahulugan teks sa akin:
"Hugas muna ako plato baby taz luto na rin... kakagcng q lang kc..i love you"

Sigarilyo Ko

Sinubukan ko ang bagong kong talentong umupo sa harap ng kompyuter magsindi ng sigarilyo at humigop ng malamig na kape at sasabayan ko ito sa pmamagitan ng pagkatulala ng ilang minuto ng wala man lang laman ang isip. Matagl kong tinitigan ang aking cellphone na nakalagay sa ilalim ng screen at hinintay ko itong umilaw nagbabakasakali na may magteteks...pero wala.
Kababae kong tao pero kung umubos ako ng sigarilyo at kape sa isang araw ay daig ko pa ang matandang maghapong nakatambay sa ilalim ng puno na may duyan habang binabantayan ang kaniyang mga manok. 
Naisip ko bigla, ilang taon ba ako nong una akong makatikim ng sigarilyo?
Natatandaan ko highschool pa lamang ako at marlboro red pa ang sigrailyo ko noon.
Naaalala ko kung paano ako magpraktis humithit at bumuga sa harap ng salamin para hindi naman ako magmukhang baguhan sa larangan ng paninigailyo sa harap ng aking mga kaibigan.
Naalala ko rin noong una akong mahuli ng tatay kong naninigarilyo sa labas ng bahay, sa madilim na sulok katabi ng mga halaman. Tinawag niya akong bigla at tinanong kung saan ko natutunan ang masamang bisyong parehas kaming meron. Sabay banat niya ng.."hindi mo ba alam na ang kasunod niyang bisyong yan ay maaaring mas malala?"
Tama siya. Natutunan kong bumarik ng iba't-ibang uri ng alak at ng magkolehiyo ako at nagkaroon ng sarili kong pera ay nag upgrade din ang aking bisyo. Nagsimula sa isang stick ng marijuana at nasundan ng shabu. Mahirap itigil ang bisyong meron ka at meron ang mga taong nakapaligid sa iyo. Naranasan kong abushin ang ibang mamahaling tableta na hanggang ngayon ay nakakapagbigay ginhawa sa akin.
Hindi ko naalis ang marijuana sa buhay ko. Ang shabu ay iniwan kong nagdadabog.
Minsan, iniisip ko, paano kaya kong naging adik ako sa mga pinagbabawal na gamot--walang kontrol sa paggamit, at paano kaya kung natunaw ang utak ko?
Baka isa na ako sa mga babaeng makikita mong nangiisntach sa Quiapo, Nag bebenta ng aliw, may asawang amoy-lupa, naglalakad ng hubo't-hubad sa gilid ng EDSA or di kaya'y baka patay na ako..
Pero masuwerte pa rin ako dahil nagdaan lang sa buhay ko ang ganong mga bagay. 


Ayun! Ilang minuto ang lumipas at nahuli ko nanaman ang sarili kong natutulala....
Pagod lang siguro...

Tansan

Hindi ako pumasok sa opisina ko kahapon. Mas pinili kong sumama sa aking kaibigan upang magpatulong maghanap ng bahay na malilipatan dahil sawa na ako sa bahay ng aking magulang. Hindi naging successful ang aming paghahanap dahil wala kaming inisip kundi ang mag-inum pagkatapos ng aming pagsuyod sda buong Makati ng matinong bahay na kaya ng aking bulsa. Alas-sais na ng gabi ng pumunta kami sa Pasig para doon kami pupuwesto sa aming pag barik. Nagulat ako dahil hindi ito sa bahay ng aking 'drinking buddy' kundi sa bahay ng isang bagong kakilala.So wala akong choice kundi ang sumama.Nagkaron nanaman ng bagong kakilala ang lola mo! Ang problema, mailangin ako pagbago ko lang kakilala tapos sasabayan akong magpaka bangag sa alak. Madami akong napuna sa babae at lalakeng mga kasama kong tumungga. Iniisip kong bumili na lang ng sarili kong brand ng beer (Red Horse) kaysa uminum ng hard na hindi ko naman feel ang brand. Hindi naman ako mapili, pero bago lang kasi ako sa lugar na yon at kilala ko sarili ko pagnakainum---hindi nakakatuwa. Ayaw ko maging bastos sa nag libre kaya nagtiis ako sa mas mainit sa lalamunan na alak. Malapit ng maubos ang isang litro at doon naging mapagmasid na ako. Hindi naman ako paranoid pero hindi rin naman masamang mamintas at mag obserba sa mga kasama ko. Sanay na ako sa kilos ng apat na kasama kong ilang taon ko nang ka-inuman, ang hindi ako sanay ay may bago akong kakilala at hindi ko kabisado ang lugar. Hindi naman talaga ako maarte pagdating sa inuman...kahit sa sahig mo ako paupuin oks lang ako basta't alam ko ang lugar at kilala ko mga kasama ko. 

1 litrong tumba.
Napapansin ko umaarte na at yumayabang na ang kanina'y mga tahimik at pa-demure na kasama. At sa tagal ko na hindi na nagsalita ay biglang may nakapansin na kasama pala ako sa inumang nagaganap. Naging maayos naman ang aming usapan sa paulit-ulit niyang tanong kung saan ako nagtatrabaho na para bang hindi sumasaksak sa kaniyang kokote ang mga sinasabi ko.  
Ang iba kong kasamang babae (kabilang sa grupong doon ko lang nakilala) ay nagsimula nang magpasikat sa mga lalakeng humahabol sa kanila, isinabay na rin nila ang pagmumura sa mga ex nila, pati ang pag emote ay hindi na nawala. Hindi naman ako galit sa emotera...kaso paglasing ang isang tao nagiging iba ang pananaw at mahirap itong kontrolin. Nagsimulang magkuwento ang babae na may kasabay na paghikbi. Ilang beses niyang inulit kung gaano siya nasaktan at nanghihinayang sa pinagsamahan ng kaniyang ex-boypren. Inaamin kong naririndi ako pero sino ba naman ako para patigilan siya eh pare-parehas na kaming hindi tuwid mag-isip..

2 litrong tumba.
Nagsimula nang uminit ang sitwasyon dahil ang ex na tinutukoy ni babae ay kasama namin sa pag-inum. Ang putang-ina hindi man lang umiimik ang gago. At dahil nga mainit (summer kasi), nagsimulang magwalk-out si babae at ang usual na drama ng kaniyang mga kaibigan ay habulin ito at amuhin. Lalong uminit ang usapan 

Babae: Putang ina mo! Wag mo kong hawakan! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!
Lalake (ex): Nakakahiya sa kanila oh, tumigil ka na, lasing ka lang...
Babae: Hindi ako lasing! Putang ina mo! (sabay untog sa pintuang naka half-open)
Lalake (ex): Sige, ikaw bahala. Ayaw mong papigil.

Lumabas si babae sa pinto na lahat kami ay gulat na gulat sa eksenang nangyari.
Maya-maya pa bumalik ang babae...

Babae: Bakit hindi ka sumunod?!
Lalake (ex): Kelangan ko pa bang sumunod eh grabe na ang pagpapahiya mo sa akin...
Babae: Putang ina mo!
Lalake (ex): Putang ina mo ren! (sabay ngarat at walk-out)

Nagulat lalo ako. Hindi ko alam kung pagiging bastos ba ang ginawa nong lalake o tama lang na gawin niya yon. Mahirap makialam sa usapang ganito lalo na at ngayon ko pa lang sila nakasama kaya lahat ng tagay na para sa kanila ay sinamantala ko nang mapasa-akin.Natapos ang inuman sa pangatlong litro ng Gilbey's at tinuldukan ito ng pagsuka ng babae sa may halamanan.

Mga eksena sa inuman na ang hirap iwasan pero ang hirap din patulan.
Mga usapang lasing na halos hindi mo na matandaan pagsikat ng araw.

Tuesday, March 16, 2010

CR Ng Babae

I bet maraming lalaking gustong malaman kung ano nga ba talaga ang nagaganap sa loob ng CR ng babae!! Nakakairita pumasok sa CR ng mga babae lalong lalo na kung ito ay sa lugar tulad ng mga malls, bus stations, tren stations at minsan sa mismong kumpaniyang pinagtratrabahuhan mo. Pero ang pinaka-nakakainis na pasukin na CR ay ang sa malls lalong lalo na sa mga araw ng sabado at linggo! Sa umaga, halos ang laman lang ng CR ng malls ay ang mga salesladies na hindi mapakali sa pagpapakapal ng pulburon sa mukha at napansin kong ang paborito nilang kulay ng eyeshadow ay blue! (bakit kaya?) Dadaan ang buong maghapon at nagkakaron na ng build-up ng tao sa loob ng CR ng babae. Akala mo may sineng bagong palabas sa haba ng pila. Maruming lababo, basang sahig at walang toilet paper kadalasan ang eksena sa loob ng CR. Habang nakapila ka sa pintuan ng toilet at nagpipigil na hindi sumabog ang ihi mo sa tagal ng nauna sayo, naiisipan ko nalang libangin ang sarili ko. Napansin ko ang isang babaeng simula pagpasok ko hanggang sa pumila na ako ay naroon pa rin sa harap ng salamin. Hindi magkandauga-ga ang pwet niyang maghukay sa kaniyang "kikay kit" kung ano pa ba ang puwede niyang isalpak sa kaniyang makulay na mukha. Meron din isang lola na halos ubusin ang libreng hand sanitizer na nasa gilid ng lababo. ang pinaka nakakairita sa lahat, yong babaeng sinundan ko sa pila, sobrang tagal na niya sa loob!!!

Sa wakas! It's my turn!

Pagpasok ko sa toilet, agad akong naglatag ng mahiwagang toilet paper sa paligid ng inidoro at sabay umupo. Napansin ko ang mga sulat sa likod ng pintuan kung saan nakasabit ang aking bag. Nakakatawa. Halos mga cellphone numbers, pangalan, at mga salitang bastos ang nabasa ko. at pagtingin ko sa kabilang side ng cubicle, nabasa ko ang isang linya sa bible. Ganto nga ba talaga ang mga Pinay? matapos ang aking pag wiwi, itinapon ko ang toilet paper at napansin kong walang laman ang basurahan. Diring-diri ako sa nakita. Naalala ko nung highschool ako, tiniruan kami kung papaano ang tamang pagdispose ng sanitary napkin. Sa nakita ko, parang may mga duwendeng minassacre sa loob ng basurahan. agad akong lumabas at hindi na nagtagal sa masikip na lugar na yun. Sa pagmamadali ko, nabangga ko ang isang batang lalaki na bitbit ng kaniyang ina papasok ng CR ng babae...normal na pangyayare lang yon. Sa paglabas ko, nadaanan ko rin ang CR ng lalaki at sa hindi inaasahang malanding pagkakataon, nakita ko ang loob. mukhang mahina ang palabas sa CR ng lalake...walang pila..walang gaanong nagsasalamin at lahat nakayuko. Kung ganon lang sana kaginhawa ang pakiramdam sa papasok ako sa tuwing papasok ako sa pampublikong palikuran, e di sana mabilis kong nailabas ang ininum ko kanina!

Ang Nagsulat

Hindi na kailangan sabihin pa ang pangalan ko..ang importante, masabi ko kung ano ako.
Lumaki akong hindi ko naranasan magkaroon ng kapatid. Hindi madali, lalo na at babae ako. Pinag-aral ako sa isang exclusive school kaya hindi naging mahirap sa akin magfeeling-sosyal. Hindi ko naman sinasabi na mayaman kami pero kinaya ng magulang kong mapag-aral ako sa isang magarang paaralan. Nasanay akong hatid-sundo ng school bus kaya kahit nong mag highschool ako, hindi ako marunong magcommute. Naging mahirap sa akin ang highschool life...una-hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend,pangalawa-natutunan kong ma-attract sa same sex,pangatlo-at ang pinaka-malala sa lahat, iniwan kami ng nanay ko. Natapos ko ang highschool ko ng maayos at ng kaming dalawa lang ng tatay ko. Natutunan kong mag-isa nang umalis ang tatay ko sa Pinas at piniling mamuhay sa ibang bansa. Nagkolehiyo ako ng walang gabay ng magulang. Binuhay ako ng dolyares na ipinapadala ng aking tatay buwan-buwan pero hindi ko ito inabuso. Nagtrabaho ako bilang isang barista sa isang sikat na coffee shop sa umaga at pumapasok ako sa unibersidad ng gabi. Hindi naging madaling balansehin ang oras ko sa trabaho, sa pag-aaral, sa mga kaibigan at sa bisyong hindi ko inakalang matitikman ko. Nakakagulat, kumuha ako ng kursong kinaiinisan ng marami, BSA...tama, Bachelor of Science in Accountancy. Naranasan ko ring sumali sa isang organized fraternity/sorority sa aking unibersidad at naging malaki ang tulong nito sa akin. Ginawa kong kapaki-pakinabang ang mga oras ko noon at wala akong pinagsisihan sa aking mga nagawa kahit ang paggamit ko ng droga at pag-inum ng bawal na gamot ay ni minsan hindi ko kayang ipagyabang at hindi ko rin ikinakakahiya. Bago pa man ako matapos ng pag-aaral sinabak ko ang buhay sa gabi, ang buhay call center. Naging napakahirap dahil kailangan kong pumasok ng hapon sa eskuwelahan at sa gabi ay didiretso na ako sa aking trabaho. Itinago ko sa pinapasukan ko na ako ay kasalukuyang nag-aaral pa. Nasanay akong mabuhayan ng dugo sa gabi at patay ang diwa sa umaga...hanggang ngayon, ito ang gusto ng katawan ko. Nakatapos ako sa pag-aaral ng kolehiyo ng hindi ko binibitawan ang aking trabaho na sa panahong yon ay Escalations Analyst na ako. Hindi mataas, pero hindi rin mababa. Nagkaroon ako ng mga kaibigang hanggang ngayon ay kasa-kasama kong malasing.

Nagpatuloy ang buhay ko ng walang gabay o walang presensiya ng aking ama na nasa malayo at ng aking inang walang-hiya.
Naging mabuti akong anak kahit sa mga oras na nagpakawalang-hiya ako dahil para sa akin, naiahon ko ang aking sarili sa pag-aaral, ng walang ibang sinasandalan kundi ang aking sarili at sa dolyares ni tatay na walang-humpay ang pagdating kahit ako'y kumikita na.

Ngayon, hindi na mahalaga ang pangalan ko...ang mahalaga, ang istorya ko...ang pinagmulan ko.

Template by:
Free Blog Templates