Mga Kuwento Ni Peanut: Relasyon

Wednesday, March 17, 2010

Relasyon

Sa edad kong beinte-tres, hindi ako magugulat kung kaunti lang ang sineryoso kong lalake. Pero sa tinamaan ng lintek, konti lang ang nagpasaya sa akin sa mga iyon. 
Kung ngayon ko iisipin...iba't-ibang uri sila ng pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin (korni na). Meron din akong naging ka-relasyon na alam ko ang mukha pero hindi ko na talaga maalala ang pangalan niya siguro dahil highschool pa lang ako.
Tutal, hindi ko naman isiniwalat ang pangalan ko..ang sarap bigyan ng pangalan ang mga lalaking gumapang sa buhay ko...
Si Francis. Highschool pa lang ako sa aking exclusive school nung makilala ko siya dahil kaibigan siya ng busmate ko. Highschool ako at kolehiyo siya sa isang Engineering school sa Bandang Aurora Blvd. Doon ko naranasan ang kauna unahang halik na mejo mamasa-masa (wa ko keyr pagnandiri ka). Naalala ko noong niyaya niya ko sa kanilang bahay at padiretsuhin sa kaniyang kuwarto...hindi ko alam ang gagawin ko non dahil kulang ako sa kaalaman tungkol sa lalake sa mga panahong iyon...pero di nagtagal...matapos ang mga sulat (cheesy na), mga atungal at habol sa kaniya.iniwan ko siya ng wala siyang nakukuha sa aking pagkababae..hehe.
Si Dodie. Oo, highschool ulit iyon at anim na taon ang tanda noon sa akin. Naalala ko na sa Don Bosco nag-aaral ang gago nung panahong iyon. Sa relasyong ito umabot ako sa pinakamapusok na paraan...ang half-body bliss. Pero naghiwalay kami dahil sa isang kapitbahay niya na sakang at walang kilay.
Si Bryan. Dito ko masasabi na nagsimula akong magseryoso. Kolehiyo na ako nong makilala ko siya. Naging sobrang maalagain niya sa akin. Halos napaka emotional ng aming naging pagsasama at hindi ko kayang ikuwento kung bakit..basta naging madrama kami sa isa't-isa.
Hindi ko sa kaniya naranasan ang maloko, mabastos at maiwan sa ere. Ibang klaseng alaga ang naramdaman ko sa kaniya. At dito rin ako unang bumigay. Naganap ang lahat sa kaniyang boarding house. Nagsama kami na parang mag-asawa at ang kaibahan lang, hindi kami nakatira sa isang bahay. Ang sarap ni Bryan. Siya yong lalaking kahit ilan ulit akong saksakin at paluin ng tubo sa ulo ay hindi ko kayang kalimutan. Pero natapos din ang lahat sa napakahalagang pangyayari na hindi ko rin gustong sabihin ngayon.
Si Mike. Naging sandali lang kami ni Mike. Hindi dahil sa hindi siya kasing-sarap ni Bryan, ito ay dahil ang sakit pa sa ulo ng hangover ko sa aking ex. Sa trabaho ko na ito nakilala. Hindi rin naging mainit ang sex dahil walang halong emosyon.
Si Animal (hindi tunay na pangalan). Dito ko naranasan ang pang-aabuso ng isang lalaking hindi naman nagpakain at nagbigay buhay sa akin ay ganun-ganun na lang ang trato sa akin. Minahal ko ang animal na iyon. Sobrang-sobra kaya hinayaan ko lang gawin niya ang gusto niya sa aking makirot na katawan. Halos murahin ko ang aking sarili sa pagtatagal sa relasyong pumapatay at nagpapa-asul sa aking kutis. Pero sa sobrang tanga ko, naniniwala akong mahal niya ako.Putangina sa kaniya ko naranasan ang halos patayin ko ang sarili ko noong una niya akong iwan, pati sa pangalawa. Pero naging mahalaga sa akin ang pagmamahal ng aking pamilya sa animal na iyon. Makalpias ang dalawang taon, nagbago na ang lahat. Pinamanhid ako ng lalaking ito na mas grabe pa tumalak kaysa sa babaeng nagtitinda sa palengkeng maputik. Iniwan ko siyanang may dala-dala akong galit sa dibdib ko. Pero hindi ako natutong lumaban sa kaniya...iyon ang pinagsisihan ko.


Iyon ang mga pangalang tumatak sa aking isip kahit na alam kong meron pang iba na hindi na kailangan mabanggit dito dahil hindi ko itinuring na relasyon nga ang naging pakikisama ko sa ibang lalaki na naging bahagi ng oras at panahon ko.


Sa ngayon, masasabi ko ngang ako nanaman ay nasa isang relasyong mahirap ipaliwanag. Dahil sa ngayon, alam kong mahal ko ang taong kakasend lang ng isang makahulugan teks sa akin:
"Hugas muna ako plato baby taz luto na rin... kakagcng q lang kc..i love you"

2 hah?:

Stone-Cold Angel said...

Galeng ng post mo... naalala ko tuloy yun mga ex ko at yun mga nambasted sa aken.

Basta masaya at nag eenjoy ka sa nararamdaman mo, enjoy the "in-love" feeling.

ingat!

Peanut said...

salamas angel :)) i mean salamat..

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates