Hindi na kailangan sabihin pa ang pangalan ko..ang importante, masabi ko kung ano ako.
Lumaki akong hindi ko naranasan magkaroon ng kapatid. Hindi madali, lalo na at babae ako. Pinag-aral ako sa isang exclusive school kaya hindi naging mahirap sa akin magfeeling-sosyal. Hindi ko naman sinasabi na mayaman kami pero kinaya ng magulang kong mapag-aral ako sa isang magarang paaralan. Nasanay akong hatid-sundo ng school bus kaya kahit nong mag highschool ako, hindi ako marunong magcommute. Naging mahirap sa akin ang highschool life...una-hindi pa rin ako nagkakaroon ng boyfriend,pangalawa-natutunan kong ma-attract sa same sex,pangatlo-at ang pinaka-malala sa lahat, iniwan kami ng nanay ko. Natapos ko ang highschool ko ng maayos at ng kaming dalawa lang ng tatay ko. Natutunan kong mag-isa nang umalis ang tatay ko sa Pinas at piniling mamuhay sa ibang bansa. Nagkolehiyo ako ng walang gabay ng magulang. Binuhay ako ng dolyares na ipinapadala ng aking tatay buwan-buwan pero hindi ko ito inabuso. Nagtrabaho ako bilang isang barista sa isang sikat na coffee shop sa umaga at pumapasok ako sa unibersidad ng gabi. Hindi naging madaling balansehin ang oras ko sa trabaho, sa pag-aaral, sa mga kaibigan at sa bisyong hindi ko inakalang matitikman ko. Nakakagulat, kumuha ako ng kursong kinaiinisan ng marami, BSA...tama, Bachelor of Science in Accountancy. Naranasan ko ring sumali sa isang organized fraternity/sorority sa aking unibersidad at naging malaki ang tulong nito sa akin. Ginawa kong kapaki-pakinabang ang mga oras ko noon at wala akong pinagsisihan sa aking mga nagawa kahit ang paggamit ko ng droga at pag-inum ng bawal na gamot ay ni minsan hindi ko kayang ipagyabang at hindi ko rin ikinakakahiya. Bago pa man ako matapos ng pag-aaral sinabak ko ang buhay sa gabi, ang buhay call center. Naging napakahirap dahil kailangan kong pumasok ng hapon sa eskuwelahan at sa gabi ay didiretso na ako sa aking trabaho. Itinago ko sa pinapasukan ko na ako ay kasalukuyang nag-aaral pa. Nasanay akong mabuhayan ng dugo sa gabi at patay ang diwa sa umaga...hanggang ngayon, ito ang gusto ng katawan ko. Nakatapos ako sa pag-aaral ng kolehiyo ng hindi ko binibitawan ang aking trabaho na sa panahong yon ay Escalations Analyst na ako. Hindi mataas, pero hindi rin mababa. Nagkaroon ako ng mga kaibigang hanggang ngayon ay kasa-kasama kong malasing.
Nagpatuloy ang buhay ko ng walang gabay o walang presensiya ng aking ama na nasa malayo at ng aking inang walang-hiya.
Naging mabuti akong anak kahit sa mga oras na nagpakawalang-hiya ako dahil para sa akin, naiahon ko ang aking sarili sa pag-aaral, ng walang ibang sinasandalan kundi ang aking sarili at sa dolyares ni tatay na walang-humpay ang pagdating kahit ako'y kumikita na.
Ngayon, hindi na mahalaga ang pangalan ko...ang mahalaga, ang istorya ko...ang pinagmulan ko.
4 hah?:
perde modelleri
Mobil onay
Vodafone Mobil Ödeme Bozdurma
nft nasıl alinir
ankara evden eve nakliyat
trafik sigortasi
dedektor
Site Kurmak
Aşk Kitapları
smm panel
smm panel
iş ilanları
İnstagram Takipçi Satın Al
hirdavatciburada.com
www.beyazesyateknikservisi.com.tr
Servis
jeton hilesi
Good content. You write beautiful things.
taksi
sportsbet
mrbahis
korsan taksi
hacklink
vbet
vbet
hacklink
sportsbet
adıyaman
aydın
mardin
ığdır
antakya
BTQO
Post a Comment