Hindi ako pumasok sa opisina ko kahapon. Mas pinili kong sumama sa aking kaibigan upang magpatulong maghanap ng bahay na malilipatan dahil sawa na ako sa bahay ng aking magulang. Hindi naging successful ang aming paghahanap dahil wala kaming inisip kundi ang mag-inum pagkatapos ng aming pagsuyod sda buong Makati ng matinong bahay na kaya ng aking bulsa. Alas-sais na ng gabi ng pumunta kami sa Pasig para doon kami pupuwesto sa aming pag barik. Nagulat ako dahil hindi ito sa bahay ng aking 'drinking buddy' kundi sa bahay ng isang bagong kakilala.So wala akong choice kundi ang sumama.Nagkaron nanaman ng bagong kakilala ang lola mo! Ang problema, mailangin ako pagbago ko lang kakilala tapos sasabayan akong magpaka bangag sa alak. Madami akong napuna sa babae at lalakeng mga kasama kong tumungga. Iniisip kong bumili na lang ng sarili kong brand ng beer (Red Horse) kaysa uminum ng hard na hindi ko naman feel ang brand. Hindi naman ako mapili, pero bago lang kasi ako sa lugar na yon at kilala ko sarili ko pagnakainum---hindi nakakatuwa. Ayaw ko maging bastos sa nag libre kaya nagtiis ako sa mas mainit sa lalamunan na alak. Malapit ng maubos ang isang litro at doon naging mapagmasid na ako. Hindi naman ako paranoid pero hindi rin naman masamang mamintas at mag obserba sa mga kasama ko. Sanay na ako sa kilos ng apat na kasama kong ilang taon ko nang ka-inuman, ang hindi ako sanay ay may bago akong kakilala at hindi ko kabisado ang lugar. Hindi naman talaga ako maarte pagdating sa inuman...kahit sa sahig mo ako paupuin oks lang ako basta't alam ko ang lugar at kilala ko mga kasama ko.
1 litrong tumba.
Napapansin ko umaarte na at yumayabang na ang kanina'y mga tahimik at pa-demure na kasama. At sa tagal ko na hindi na nagsalita ay biglang may nakapansin na kasama pala ako sa inumang nagaganap. Naging maayos naman ang aming usapan sa paulit-ulit niyang tanong kung saan ako nagtatrabaho na para bang hindi sumasaksak sa kaniyang kokote ang mga sinasabi ko.
Ang iba kong kasamang babae (kabilang sa grupong doon ko lang nakilala) ay nagsimula nang magpasikat sa mga lalakeng humahabol sa kanila, isinabay na rin nila ang pagmumura sa mga ex nila, pati ang pag emote ay hindi na nawala. Hindi naman ako galit sa emotera...kaso paglasing ang isang tao nagiging iba ang pananaw at mahirap itong kontrolin. Nagsimulang magkuwento ang babae na may kasabay na paghikbi. Ilang beses niyang inulit kung gaano siya nasaktan at nanghihinayang sa pinagsamahan ng kaniyang ex-boypren. Inaamin kong naririndi ako pero sino ba naman ako para patigilan siya eh pare-parehas na kaming hindi tuwid mag-isip..
2 litrong tumba.
Nagsimula nang uminit ang sitwasyon dahil ang ex na tinutukoy ni babae ay kasama namin sa pag-inum. Ang putang-ina hindi man lang umiimik ang gago. At dahil nga mainit (summer kasi), nagsimulang magwalk-out si babae at ang usual na drama ng kaniyang mga kaibigan ay habulin ito at amuhin. Lalong uminit ang usapan
Babae: Putang ina mo! Wag mo kong hawakan! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!
Lalake (ex): Nakakahiya sa kanila oh, tumigil ka na, lasing ka lang...
Babae: Hindi ako lasing! Putang ina mo! (sabay untog sa pintuang naka half-open)
Lalake (ex): Sige, ikaw bahala. Ayaw mong papigil.
Lumabas si babae sa pinto na lahat kami ay gulat na gulat sa eksenang nangyari.
Maya-maya pa bumalik ang babae...
Babae: Bakit hindi ka sumunod?!
Lalake (ex): Kelangan ko pa bang sumunod eh grabe na ang pagpapahiya mo sa akin...
Babae: Putang ina mo!
Lalake (ex): Putang ina mo ren! (sabay ngarat at walk-out)
Nagulat lalo ako. Hindi ko alam kung pagiging bastos ba ang ginawa nong lalake o tama lang na gawin niya yon. Mahirap makialam sa usapang ganito lalo na at ngayon ko pa lang sila nakasama kaya lahat ng tagay na para sa kanila ay sinamantala ko nang mapasa-akin.Natapos ang inuman sa pangatlong litro ng Gilbey's at tinuldukan ito ng pagsuka ng babae sa may halamanan.
Mga eksena sa inuman na ang hirap iwasan pero ang hirap din patulan.
Mga usapang lasing na halos hindi mo na matandaan pagsikat ng araw.
0 hah?:
Post a Comment