Tuwing nalulungkot at walang makaintindi, huling takbuhan ang blog..
Kung sa iba ay nakakaramdam na obligasyon nilang i-update and kanilang blog sa abot ng kanilang oras...ako ay kung meron lang akong nararamdaman, tulad na lamang ng libog, sakit sa ulo, sakit sa mata, sakit sa kung ano ano pang bahagi ng aking pagkababae at lalo na ang pagkakirot...hindi lang ng aking pagnanasa kundi pati rin ng aking dibdib...hindi ito tungkol sa suso ko... tungkol ito sa laman ng aking dibdib...hinanakit..
Kung ang iyong pinakamamahal na tao ay abot-kamay mo lang...masuwerte ka!
Hindi ko naman sinasabing malas ako..
Pero sa huling banda..mahirap maghanap ng wala.
Wala -- malayo...
Ang lagi kong hanap...
Pag nakakaramdam ako ng lungkot o saya..ay siya!
Lalong-lalo na pagsapit ng madaling-araw, na kung saan pagyakap mo sa iyong tabi...tanging bagay na walang buhay ang iyong kayang hawakan..
Araw-araw ay napakalaking kawalan.
Sa mga araw na nais mong hawakan ang kaniyang mga mukha...maramdaman ang init ng kaniyang pagkakayakap sa iyo...
Malasahan ang kaniyang labi...at maghilamos ng kaniyang pagkalalaki...
Pero hindi mo magawa...Ni isang presensya niya ay hindi mo maamoy, hindi matikman at malasahan...
hindi ko matatawag na ito'y simpleng libog lang...
Ito ay pagnanasa na punong-puno ng emosyon...
Emosyon para sa taong hindi man lang halos maramdaman ang kaniyang hininga sa pagitan ng aking mga dibdib...
Emosyong walang katapat kung hininga ang puhunan ng iyong pagmamahal...
Sa dulo ng isang banda..
Maraming bagay ang lalong nagpapakahirap sa loob ko...
Dahil sa kami'y malayo sa isa't-isa...
Mahirap magkaintindihan...
Oo nga at nariyan ang telepono na halos nag-iinit sa aming maghapong usapan..
Pero ang mahirap ay ang mga oras ng tampuhan at kung may bagay na iyong kinakainisan, hindi mo siya kayang hampasin or tignan ng masama...
Napaka-helpless!
Wala kang magawa kundi ang ipitin sa iyong loob ang inis, tampo, at galit laban sa kaniya...
Dahil kahit anong gawin mong paggulong-gulong sa lupa...may mga taong manhid at di nakakaramdam...lalo na't kung sobrang layo ng inyong pagitan...
Ang hirap...
Sa aking adibdib...sa aking utak...at sa aking pagkababae..
Kung ganon lang kadaling umalis ng iyong taguan at lumabas sa mundong alam mong hindi ka mauubusan ng lalaking may kakayanan din makapagpaligaya sa iyong diwa...
Hindi na ako mag sasayang ni-isang segundo para hintayin ang kaniyang pinakakaingatang atensyon.
Para sa akin....dalawa lang naman yan-----
Masanay ka o di kaya'y magsawa ka!
Isa nanamang bitin
na kuwento...
galing sa isang maning lasing!
Bot Nulis Telegram
3 years ago