Mga Kuwento Ni Peanut: Pain, Pain, Go Away!

Sunday, April 4, 2010

Pain, Pain, Go Away!

Gusto ko munang magpala-emotional ngayong araw na ito. Hindi naman dahil sa bagsak ang aking sex life kundi meron lang akong pinagdadaanan ngayon na kahit ako ay hindi makapag isip ng diretso. 
Noong nakaraang Miyerkules, nais ko na sanang tapusin kong ano ang meron kaming dalawa. Hindi mabigat at hindi rin masasabing mababaw na dahilan. Kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit at ano ang aking makatarungang dahilan para tapusin ang lahat. 
Kahit papaano naman, hindi puro kalandian at libog ang laman ng dibdib ko. Inaamin kong mahilig akong umiwas sa usapang masyadong mabigat at emosyonal pero hindi ko akalain na pati ako susuko.
Ang pinaka mahirap at pinaka "risky" sa isang relasyon ay ang umasa kahit na alam mong suntok sa buwan ang ibang nais mong mangyari, natututo kang sumugal dahil nga--umaasa ka.
Ang sabi ng iba huwag kang masyadong umasa kasi baka ikaw rin ang magsisi at maiwang talunan...pero ganon pala yon, hindi mo rin pala kakayaning pigilan ang sarili mo na umasa lalo na sa taong gustong mong paglaanan ng buhay mo.
Sa napaka-ikling panahon at oras, nakuha niya ang loob ko..at hindi ko pinagsisihan yon dahil halos lunurin ako ng pagmamahal niya. At sa ginawa niyang yon, naging parte siya ng pag-ikot ng mundo ko..at umikot ang mundo ko sa kaniya..
Mali nga ba? 
Paano nga ba naging mali ang umasa? Sa pagkakaalam ko..mahirap pigilin ito, mahirap turuan, at lalong mahirap tapusin.
Noong araw na yon, parang ang daming unan ang nakatakip sa mukha ko sa sobrang hirap huminga at sa sobrang bigat ng dinadala ng dibdib ko habang naririnig ko ang kaniyang pagsinghot, pag-iyak at pakiusap...
Tinanong ko siya...
Bakit ba sobrang bait mo sa akin? Bakit ganito mo ako ka-mahal? Bakit parang magiging kawalan ko pa? 
Sa sobrang sinanay ko ang sarili ko na araw-araw ay alam kong nandyan lang sya para sa akin, paano bukas kung alam kong wala na siya?
Alam kong nasasaktan ko siya sa bawat salitang nasasabi ko sa mga oras na yon..at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na nasabi ko sa kaniya yon.
Marami kaming napag-usapan, ilang libong luha ang pinuhunan ko sa araw lang na yon at alam kong sya rin....


Natapos ang maghapon at nilunok ko rin ang mga nasabi ko...hindi ko pala talaga kaya.
Bakit hindi pa rin ako mapakali...
Meron ba akong hinahanap pa sa kaniya?
Inihanda ko ang sarili ko na pagkatapos ng usapang yon, alam kong hindi na magiging tulad ng dati--nasaktan ko na siya.
At tama nga ako, nangyari ang kinakatakutan ko, ang panlalamig nya.
Hindi ko alam kung bakit parang wala naman talagang nagbago sa kaniya pero nakakaramdam ako ng panlalamig galing sa kaniya.
Dahil nga sa akin. Dahil ipinakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kabilis sukuan..at pinagsisisihan ko lahat ng nagawa at nasabi ko sa kaniya.
Kahit na alam kong maayos na kami ngayon, may bigat pa rin..dahil alam kong may lamat na ang aming relasyon.
Hindi ko man masabi ng diretsuhan sa kaniya, pinagsisisihan ko ang mga nasabi ko.
Kaya mabigat sa dibdib ko ang nangyari at nangyayari-- dahil kahit gaano ko pa sya kamahal, kayang-kaya ko palang syang saktan.

At dahil sa pagmamahal na yan, handa akong muling magsakripisyo, at handa muli akong umasa..


5 hah?:

an_indecent_mind said...

isa lang ang ibig sabihin nyan, mas mahal mo pa rin ang sarili mo kaya takot kang mahalin sya -- which is di naman masama na magtira para sa ating sarili..

di masama ang umasa, di masama ang mangarap; ang mas masakit e kung mawala sya sa buhay mo na di mo nasabi ang mga gusto mong sabihin at di mo nagawa ang mga bagay na dapat mong ginawa..

cheer up! layp is byutipul!

DRAKE said...

Kaya tayo nahihirapan ay dahil binabalikan pa natin ang nakaraan. Okay lang na magsisi, pero hindi lang dapat natatapos a pagsisisi ang lahat. Kailangan umalis na tayo sa pagsisisi bagkus mag move on at kunin ang mga aral na nakuha natin sa pangyayari iyon.

Kaya tayo nasasaktan kasi hindi natin mapatawad ang sarili natin na nagkamali tayo. Hindi tayo makakalis sa kalungkutan dahil ayaw nating din nating umalis sa pagsisisi.

Tandaan natin,hindi tayo makakaalis sa kinalalagyan natin kung hindi tayo hahakbang, at patuloy tayong malulugmok kung patuloy naman tayo lalakad paatras.

Tama na ang pagsisisi, kunin na lang ang aral na nakuha natin sa hindi magandang pangyayaring iyon. Accept and live with it.

walang perpekto sa mundo, kaya patawarin ang sarili at subukan lumakad uli ng taas noo.

Ingat

Peanut said...

maraming salamat...

Null said...

minsan hindi mo mararamdaman yung tunay na pagmamahal kasi you THINK LESS for yourself... you think na hindi ka worthy to be loved by a good person simply because you have this guilt feeling that you're never good enough... ikaw lang ang makakapagbuo sa sarili mo and I guess you should give it a try to start re-building your confidence. if you explain to him what you're going through I think he'll understand.

Don't deprive yourself to be happy, everybody deserves it.

Unknown said...

hmmm di me eksperto pagdating sa usapang relasyon, dahil sa totoo lang e maski ako ay may mga sarili ring kadramahan jan!

Girl, iniisip mo lang kasi na di mo kayang pantayan ang pagmamahal na binibigay nya sa yo.Na para bang pakiramdam mo ay isa kang pokpok na minamahal ng isang pastor!...Tama si roanne, you have to let go ung guilt feeling na nararamdaman. Or at least make an effort to change urself kung meron mang bagay na dapat mong baguhin para sa ikakabuti ng relasyon.

I guess kelangang mag-usap uli kayo ng masinsinan..ung heart 2 heart ba? Kung kinakailangang humantong uli sa kama e...go girl! :D

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates