Mga Kuwento Ni Peanut: Liar!

Friday, April 16, 2010

Liar!

Mas madaling magsinungaling kaysa magsabi ng totoo -- yan ang opinion ko.
Hindi ko sinasabing magaling ako sa sining ng pagsisinungaling pero madalas nakakalusot din. Ang dami-daming bagay kung bakit ang isang tao ay kinakailangang magsinungaling...minsan for emergency puroses, minsan para makapang-impress, minsan, para panatilihin lang ang magandang imahe ng sarili, minsan, para maka-convince, minsan, para makapanlinlang ng kapwa, minsan, ganun na talaga sya pinanganak--mistulang sinungaling. Ang daming rason kung bakit nagsisinungaling ang isang tao pero kahit anong rason pa yan..hindi tama.
Lahat ng tao nagsisinungaling. Kahit yang pari sa kapilya nyo pustahan tyo, nagsisinungaling yan. Lahat tayo lumalabag. Lahat tayo araw-araw nagsisinungaling minsan lang siguro hindi mo napapansin dahil sa sobrang babaw lang naman ng kasinungalingan. Kahit nga sa simpleng katanungan na "Okey ka lang, para kasing masama loob mo eh", sasagutin mo ng "Oo naman, wala namang dahilan para mag-inarte", kahit na sa loob-loob mo, gustong-gusto mo na syang sampalin dahil sa utang nyang hanggang ngayon ay hindi pa bayad at kailangan mo na ng pera.
Ang dami-daming paraan ng pagsisinungaling at madami ring paraan para mahuli mo ito. May mga tao kasing kaya nyang tignan ka ng diresto ng hindi manlang kumukurap kahit bugahan mo ng usok ang mata nya makapagsinungaling lang. May mga tao namang sa umpisa lang marunong magsinungaling at kapag tinanong mo ng tinanong...bumibigay din. Pero ang mahirap don, pag hindi mo gaano kilala ang isang tao, mahirap basahin kung sya ba ay nagsasabi ng totoo.
Totoong mahirap magpakatotoo.. lalo na sa mga taong alam mong hindi ka tanggap pag nalaman nila ang mga bagay o baho na pinakatatago mo. Kahit sa matalik mong kaibigan, madami ka ring bagay na hindi kayang sabihin o meron ka ring mga sinasabing hindi totoo.
Ako mismo, kaya pinili kong hindi ihayag sa mundo ng blog ang pangalan ko at ipamahagi ang link nito sa mga kaibigan ko ay dahil mas gusto kong maging malaya sa lahat ng nais kong sabihin. Gumagamit ako ng totoong pangalan ng aking mga kaibigan sa aking mga kuwento pero tunay na pangalan ko ang hinding-hindi ko kayang sabihin. Hindi dahil sa ikinakahiya ko ang sarili ko, kundi mas maganda na maging totoo ang laman ng blog ko, ang totoong laman ng utak ko. Mas pinili kong maglabas ng tunay na kalandian, libog, mga kalokohan kaysa ikalat ang pangalan ko at gawing wholesome ang blog ko---hindi na ako yon.


Lie at your own risk. Sa totoo lang, wala namang pumipigil sa kahit kanino na huwag magsinungaling. Kung sa tingin ng isang taong pinili magsinungaling ay makakabuti sa kaniya yon, eh di magsinungaling sya. At kahit na maraming taong tatamaan at masasagasaan dahil lang sa pinili ng isang taong magsinungaling, sige na lang din, kapalit lang naman non ay ang tiwqala ng bawat taong ginawan mo ng pagkakamali at sa mga taong makakachikahan ng taong niloko mo.


**Sa tagal kong nawala at hindi nakapag sulat, ito lng ang kinaya ng utak kong puno ng kamalisyosohan.

5 hah?:

glentot said...

I admire mga taong magaling magsinungaling kasi ganun rin ako, minsan naaasar pa ako sa mga taong magsisinungaling tapos mahuhuli rin lang, parang naiisip ko, "Akala ba nya tanga ako para hindi ko sya mahuli?" Nakakainsulto lang ng intellect.

an_indecent_mind said...

paano yung mga liar liar? sinungaling pa rin ba silang matatawag?

Peanut said...

it's an art...ahaha!

DRAKE said...

Yun pala yun! At isang sining na rin pala ang pagsisinungaling!hahhaha!

Sabi nila ang kapatid ng sinungaling ay magnanakaw! Mali sila dun dahil hindi magnanakaw ang mga kapatid ko!LOLS

Ingat

Dhon said...

is there such a thing as a righteous lie?

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates