Mga Kuwento Ni Peanut: Bliss

Tuesday, May 4, 2010

Bliss

Natapos nanaman ang isang buong araw ng aking trabaho. Minadali kong umuwi dahil sumusuko na ang katawan ko sa trabaho at sa lalim ng iniisip. Masyadong mainit ang panahon para magtagal ako sa labas. Pagkarating ko sa aking bahay, agad na hinanap ng katawan ko ang nag-aabang na kama. Nagulat ako dahil pagbukas ko ng aking kuwarto ay naroon siya, nakaupo sa aking kama at nakatitig ng malalim. Inilapag ko ang aking bag sa sahig at sinipa ang aking suot na sapatos patungo sa sulok ng kwarto. Binuksan ko ang butones ng aking damit at hinubad ito ng walang hiya-hiya sa kaniyang harapan. Hindi umaalis ang kaniyang pagkakatitig sa akin.. dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking kamay at hinalikan niya iyon. Hinila niya ako sa kama at sinimulan aking halikan sa aking mga labi. Lalo lang akong nag-init ng biglang namasyal ang kaniyang kamay sa mga bahagi ng aking katawan na maseselan. Hindi ko napigilang makapagpakawala ng mahinhing ungol sa kaniyang tenga at nagustuhan niya iyon kaya lalo niya pa itong ginalingan. Bumaba ang kaniyang mukha sa aking leeg, dibdib, pusod at sa hindi inaasahang milagro...napaliyad ako ng ibaba niya pa ng konti ang kaniyang mukha. Nagtagal siya doon at kitang-kita ko na gusto niya ang kaniyang ginagawa kaya hindi ko na lang siya pinigilan. 


Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatingin siya muli sa akin. Pumunta siya sa aking harapan. May kakaibang ngiti siyang pinakawalan at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga sabay bulong ng "i love you". Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking tenga pati na rin ng kaniyang katawan. Sinalubong ko ang kaniyang labi ng halik...


Naramdaman ko ang pagpasok niya sa akin at ang pagsabay ng malambot na kama sa alon ng aming galaw. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin habang minamasdan niya akong nakatitig pabalik sa kaniya at pinipigilan ang sariling sumabog...


Hindi nagtagal ay halos sabay naming naabot ang tanging rason kung bakit namin ginawa iyon. Nagtagal siya sa aking ibabaw at muli siyang tumitig sa akin..sabay inilapat ang kaniyang labi sa aking noo at bigla nanaman niyang binitawan ang salitang "mahal na mahal kita".


Ngumiti ako sabay hinawi ang kaniyang katawan at inabot ang sigarilyo na nasa gilid ng kama. Sinindihan ko iyon at tumitig ako sa kawalan....


Naisip ko...
Kung andito lang siya ngayon sa aking tabi...
Mas masarap maramdaman ang mga salitang kaniyang binitawan sa aking tenga...
Ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig habang siya ay kaharap ko at nakatitig sa akin...


Kung sana...katabi ko lang siya ngayon...
Sana....

7 hah?:

an_indecent_mind said...

ano ba ang hinahanap hanap natin sa isang tao na naging bahagi na ng ating pagkatao?

ang mga maiinit at nakakapaginit na mga haplos ba nya? ang kakayahan nya na tanggalin ang ating sariling katinuan? ang mga nakakaubos na hiningang pakikipaglaban? ang mga sarap na dulot ng nalilikha ng paggalugad nya sa bawat sulok ng ating katawan? ang mga malalagkit na pawis? ang mga kakaibang tunog? ang sakit at sarap?

hindi kayang pantayan ng paulit ulit na sex sa isang estranghero ang bliss na mararanasan mo sa taong totoong mahalaga sayo kahit na minsan mo lang xa nakasama. bawat galaw, bawat alaala, maiiwan yun sa ating pagkatao.. at hahanap hanapin natin yun.. at sana..

kikilabotz said...

wahhhh. parang ang sarap basaha basahin ulit eh.. uhmm pero medyo hnd ko lng maintindihan yung last part..

ibig sbhin b imagination m lng o may iba kng iniisip n mas gusto mging kapartner?

DRAKE said...

Nice parang nagbabasa lang ako ng Xerex!hehehe

Ganun talaga kung sino ang wala sya ang hinahanap! Kung ano naman ang meron iyon naman ang winawalang bahala hanggang sa tuluyan na lang syang mawala, saka dun mo lang sya hahanapin!

May sense ba?hahaha! basta yun na yon!hehhe

ingat

Peanut said...

pag uwi ko..humiga lang ako at inisip ko ang mga SANA sa buhay ko kung nsa tabi ko sya now...
iba pa rin ang init na ibinibigay ng dalawang taong sobrang nagmamahalan.....lumiliyab...

Peanut said...

@kikilabotz....imahinasyon lang ang lahat... LONGING...

Stone-Cold Angel said...

Akala ko nakahanap ka na ng kapareha kaya nawala ka ng matagal.

Anyway, akala ko din kwento na ito ng adventures mo. Medyo nadala ako dun ah. Nice post!

=)

mjomesa said...

WOW...

steamy dreamy dream!

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates