Mga Kuwento Ni Peanut: Breathe

Thursday, May 13, 2010

Breathe

Nagsindi ako ng sigarilyo ko at tumitig sa ashtray na halos mapupuno na..
Napaisip ako, kung ilang stick ba ng marlboro lights ang kaya kong ubusin sa isang beinte-kuwatro oras..
Araw-araw akong bumibili ng isang kaha nito at minsan nga, kulang pa ito sa buong magdamag.
May naalala ako na sinabi ng isa sa aking mga kaibigan ay ang isang stick ay nakakapagpabawas ng oras ng iyong buhay sa mundo.
Tinatamad akong magresearch tungkol dito or siguro, natatakot na rin akong malaman kung ano ang maaaring idulot nito sa aking kalusugan..
Hindi naman siguro masama na ipagwalang-bahala ang mga opinyon at mga medical issues tungkol sa dulot na sakit ng paninigarilyo..
Sagot ko ang sarili ko kung magkasakit man ako dito...
Lalong sagot ko ang sarili ko kung ang kalahati man ng aking katawan ay nahuhulog na sa hukay...
Pero papaano kaya kung malaman ko na konti na lang ang araw na natitira sa buhay ko dahil lang sa paninigarilyo?
Isali mo na ang beer at alak na iniinom ko sa ano mang oras na gustuhin ko...


Kung oras ko, oras ko na...
Kasalanan ko naman siguro na hindi ko inaalagaan ang aking sarili...


At muli kong naalala ang nabanggit sa akin ang kaibigang malandi na ang sex ay nakakapagpadagdag ng buhay...
Ang pakikipagtalik ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kalusugan...
Inuulit ko..ito ay mga base lamang sa mga kuwentuhang 'coffee shop' ng aking mga kaibigan at wala akong balak iresearch ito.


So kung ang mga bisyong napili ko ay nakakapagpabawas ng taon ng aking pananatili sa mundong earth, at ang sex ay nakakatulong sa ating kalusugan...
mamarapatin ko na lang na balansehin ang lahat...
hindi na masama di ba?


Eh papaano kung hindi nito kayang balansehin ang dalawa?
hindi naman maaaring isang stick ng yosi o isang baso ng beer o bote ay tatapatan ko ng isang malupit na pakikipagtalik...
Baka maubos ang lalaking maaari kong matikman sa mga darating na araw...
Tsk!! Isang malupit na Tsk!
O di naman kaya..kung gusto ko naman ng clean living...
Sa boypren ko iraraaos ang pagbalanse ng aking mga bisyo...
Kawawa naman siya kung ganon.
Isipin mo, sa loob ng isang araw...ilang beses akong nagsisindi ng yosi...so kelangan ba talaga one is to one ang ratio?
Isang sex sa isang sigarilyo?
Eh di ang mangyayari nyan: Ihi na lang ang pahinga, sisilipan pa!


Lahat naman ng tao takot mamatay...
Yong ibang taong nagsasabing hindi sila takot mamatay...ayaw ko na lang magsalita.
Muli kong naisip habang nagsisindi nanaman ako ng sigarilyo:
Ang aking magiging mga huling kahilingan...
Masyado nang pamilyar ang tanong na yan at palagi..iba- iba ang sagot natin sa iba-ibang panahon...
Kahit ako, tanungin mo nyan ngayon, iba ang sagot ko kung ikukumpara mo ang sagot ko pagtatanungin mo ako sa susunod na buwan.


Ayaw kong maging maluho sa mga matitirang araw ko sa mundong earth...
Gusto ko simple...
Gusto ko tahimik...
Gusto ko masaya...
Gusto ko puno ng pagmamahal...
Gusto ko wala akong idea kung kailan ito darating...


Wala akong ideal na paraan para sa paraan o senaryo ng magandang pagkamatay ng natural
Dahil para sa akin...
Walang magandang senaryo... may iiyak at iiyak.


Pero ang mahalaga...
Naranasan mong mabuhay...
Natikman mo ang sarap ng ngumiti...
Natuto ka sa mga aral ng buhay kahit paulit ulit mong binabaluktot ang tama...
Nasaktan ka at nakabangon...
Gumanti ka at napahiya...

Kung hanggang saan ang aabutin ng buhay mo...
Walang nakakaalam...
Walang makakapagsabi...

Isang paraan lang ang alam ko kung papaano ito malalaman...
Ito ay kapag tumigil na iyong paghinga...







7 hah?:

an_indecent_mind said...

kung ako mamamatay, gusto ko mabilis lang ayaoko na maghirap... hindi man ako handa pero at least tapos na agad tutal lahat naman tayo dun din pupunta..

tama ka, kahit pa anogn mangyari may iiyak at iiyak pa rin at malulungkot.. pero ganun ang buhay, hiram lang, may katapusan..

Stone-Cold Angel said...

Sabi nga ng isang batang nag-vandalize sa pader...

"Enjoy life... there's plenty of time in death..."

Nagyoyosi at umiinom din ako ng alak, pareho tayo.
basta alam mo lang na lahat ng sobra ay masama. Matanda ka na para alamin kun ano ang tama at mali sa katawan mo. =)

kikilabotz said...

eh hindi ako umiinom eh. wahahahaha. pero batang bata ako alam n kung bkit..haha. joke.

tama ang mahalaga naranasan mo ienjoy ang buhay. hehe.

Rah said...

Nagyosi din ako dati. Ang sarap, lalo na habang tumatae.

Peanut said...

oo..di ako tatayo sa bowl pagdi pa ubos stick ko .ahaha

Rah said...
This comment has been removed by the author.
Choknat said...

balansahin mo na lang. lol

lahat nga ng tao, dun din ang punta. magkakaiba lang kung pano natapos.

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates