Mga Kuwento Ni Peanut: May 2010

Thursday, May 13, 2010

Breathe

Nagsindi ako ng sigarilyo ko at tumitig sa ashtray na halos mapupuno na..
Napaisip ako, kung ilang stick ba ng marlboro lights ang kaya kong ubusin sa isang beinte-kuwatro oras..
Araw-araw akong bumibili ng isang kaha nito at minsan nga, kulang pa ito sa buong magdamag.
May naalala ako na sinabi ng isa sa aking mga kaibigan ay ang isang stick ay nakakapagpabawas ng oras ng iyong buhay sa mundo.
Tinatamad akong magresearch tungkol dito or siguro, natatakot na rin akong malaman kung ano ang maaaring idulot nito sa aking kalusugan..
Hindi naman siguro masama na ipagwalang-bahala ang mga opinyon at mga medical issues tungkol sa dulot na sakit ng paninigarilyo..
Sagot ko ang sarili ko kung magkasakit man ako dito...
Lalong sagot ko ang sarili ko kung ang kalahati man ng aking katawan ay nahuhulog na sa hukay...
Pero papaano kaya kung malaman ko na konti na lang ang araw na natitira sa buhay ko dahil lang sa paninigarilyo?
Isali mo na ang beer at alak na iniinom ko sa ano mang oras na gustuhin ko...


Kung oras ko, oras ko na...
Kasalanan ko naman siguro na hindi ko inaalagaan ang aking sarili...


At muli kong naalala ang nabanggit sa akin ang kaibigang malandi na ang sex ay nakakapagpadagdag ng buhay...
Ang pakikipagtalik ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kalusugan...
Inuulit ko..ito ay mga base lamang sa mga kuwentuhang 'coffee shop' ng aking mga kaibigan at wala akong balak iresearch ito.


So kung ang mga bisyong napili ko ay nakakapagpabawas ng taon ng aking pananatili sa mundong earth, at ang sex ay nakakatulong sa ating kalusugan...
mamarapatin ko na lang na balansehin ang lahat...
hindi na masama di ba?


Eh papaano kung hindi nito kayang balansehin ang dalawa?
hindi naman maaaring isang stick ng yosi o isang baso ng beer o bote ay tatapatan ko ng isang malupit na pakikipagtalik...
Baka maubos ang lalaking maaari kong matikman sa mga darating na araw...
Tsk!! Isang malupit na Tsk!
O di naman kaya..kung gusto ko naman ng clean living...
Sa boypren ko iraraaos ang pagbalanse ng aking mga bisyo...
Kawawa naman siya kung ganon.
Isipin mo, sa loob ng isang araw...ilang beses akong nagsisindi ng yosi...so kelangan ba talaga one is to one ang ratio?
Isang sex sa isang sigarilyo?
Eh di ang mangyayari nyan: Ihi na lang ang pahinga, sisilipan pa!


Lahat naman ng tao takot mamatay...
Yong ibang taong nagsasabing hindi sila takot mamatay...ayaw ko na lang magsalita.
Muli kong naisip habang nagsisindi nanaman ako ng sigarilyo:
Ang aking magiging mga huling kahilingan...
Masyado nang pamilyar ang tanong na yan at palagi..iba- iba ang sagot natin sa iba-ibang panahon...
Kahit ako, tanungin mo nyan ngayon, iba ang sagot ko kung ikukumpara mo ang sagot ko pagtatanungin mo ako sa susunod na buwan.


Ayaw kong maging maluho sa mga matitirang araw ko sa mundong earth...
Gusto ko simple...
Gusto ko tahimik...
Gusto ko masaya...
Gusto ko puno ng pagmamahal...
Gusto ko wala akong idea kung kailan ito darating...


Wala akong ideal na paraan para sa paraan o senaryo ng magandang pagkamatay ng natural
Dahil para sa akin...
Walang magandang senaryo... may iiyak at iiyak.


Pero ang mahalaga...
Naranasan mong mabuhay...
Natikman mo ang sarap ng ngumiti...
Natuto ka sa mga aral ng buhay kahit paulit ulit mong binabaluktot ang tama...
Nasaktan ka at nakabangon...
Gumanti ka at napahiya...

Kung hanggang saan ang aabutin ng buhay mo...
Walang nakakaalam...
Walang makakapagsabi...

Isang paraan lang ang alam ko kung papaano ito malalaman...
Ito ay kapag tumigil na iyong paghinga...







Tuesday, May 4, 2010

Bliss

Natapos nanaman ang isang buong araw ng aking trabaho. Minadali kong umuwi dahil sumusuko na ang katawan ko sa trabaho at sa lalim ng iniisip. Masyadong mainit ang panahon para magtagal ako sa labas. Pagkarating ko sa aking bahay, agad na hinanap ng katawan ko ang nag-aabang na kama. Nagulat ako dahil pagbukas ko ng aking kuwarto ay naroon siya, nakaupo sa aking kama at nakatitig ng malalim. Inilapag ko ang aking bag sa sahig at sinipa ang aking suot na sapatos patungo sa sulok ng kwarto. Binuksan ko ang butones ng aking damit at hinubad ito ng walang hiya-hiya sa kaniyang harapan. Hindi umaalis ang kaniyang pagkakatitig sa akin.. dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang aking kamay at hinalikan niya iyon. Hinila niya ako sa kama at sinimulan aking halikan sa aking mga labi. Lalo lang akong nag-init ng biglang namasyal ang kaniyang kamay sa mga bahagi ng aking katawan na maseselan. Hindi ko napigilang makapagpakawala ng mahinhing ungol sa kaniyang tenga at nagustuhan niya iyon kaya lalo niya pa itong ginalingan. Bumaba ang kaniyang mukha sa aking leeg, dibdib, pusod at sa hindi inaasahang milagro...napaliyad ako ng ibaba niya pa ng konti ang kaniyang mukha. Nagtagal siya doon at kitang-kita ko na gusto niya ang kaniyang ginagawa kaya hindi ko na lang siya pinigilan. 


Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakatingin siya muli sa akin. Pumunta siya sa aking harapan. May kakaibang ngiti siyang pinakawalan at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga sabay bulong ng "i love you". Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking tenga pati na rin ng kaniyang katawan. Sinalubong ko ang kaniyang labi ng halik...


Naramdaman ko ang pagpasok niya sa akin at ang pagsabay ng malambot na kama sa alon ng aming galaw. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin habang minamasdan niya akong nakatitig pabalik sa kaniya at pinipigilan ang sariling sumabog...


Hindi nagtagal ay halos sabay naming naabot ang tanging rason kung bakit namin ginawa iyon. Nagtagal siya sa aking ibabaw at muli siyang tumitig sa akin..sabay inilapat ang kaniyang labi sa aking noo at bigla nanaman niyang binitawan ang salitang "mahal na mahal kita".


Ngumiti ako sabay hinawi ang kaniyang katawan at inabot ang sigarilyo na nasa gilid ng kama. Sinindihan ko iyon at tumitig ako sa kawalan....


Naisip ko...
Kung andito lang siya ngayon sa aking tabi...
Mas masarap maramdaman ang mga salitang kaniyang binitawan sa aking tenga...
Ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig habang siya ay kaharap ko at nakatitig sa akin...


Kung sana...katabi ko lang siya ngayon...
Sana....

Template by:
Free Blog Templates