Mga Kuwento Ni Peanut: Alam mo Loonie!

Friday, December 3, 2010

Alam mo Loonie!



"Ako'y walang-hiya pagdating sa entablado,
sungay na lang ang iyong kulang, mukha ka ng demonyo"

"Ang yabang mong pumorma akala mo hip-hop,
nagsasalita wala namang kausap"

"Napansin ko, ang lakas mong magdroga,
dapat nung eleksiyon, tumakbo ka
mula Pampanga hanggang Laguna 
para makita mo yang fans mo pumapalakpak..
Wow! si Ram batak na batak" 

"Tignan mo yang mukha mo, mukha kang engot, 
ang hulma ng mukha mo, binilog na kulangot"


Kung mahilig ka sa youtube, maaaring pamilyar sa'yo ang mga nabasa mo.  Yan ay mga ilan lamang sa salitang napulot ko ng minsang sinubukan kong manood ng kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon, ang Fliptop.

Hindi ko alam kung saan at kung paano ito nagsimula, pero sa aking obserbasyon, malakas ang nagiging impluwensya nito sa kanilang mga manonood.

Naalala ko tuloy yong movie ni eminem, ang 8th Mile na kung saan ang tanging pinagkakakitaan niya ay tumayo sa entablado at lumaban ng free-style rap.

Minsang umuwi ako galing sa aking night shift, naabutan ko ang mga grupo ng kabataan na naka-istambay sa loob ng nakaparadang dyip, ang ingay nila! Tumigil ako sandali sa katabing tindahan at bumili ng sigarilyo habang ang aking atensyon ay nasa kanila. Aba, nagrarap ang mga gago...nagsasagutan ng insulto at mura ang mga ungaz! kahit na hindi na nagra-rhyme ang kanilang mga sinasabi, hala sige pa rin.

Sa sobrang laki ng epekto nitong youtube shembot na ito, minsang naitanong sa akin ng lalaki kong pamangkin 


     "Tita, ano ang tinggil?"

Paano ko sasagutin yon ng walang halong malisya?
Paano sasagutin ang onse anyos kong pamangkin?

     "Saan mo narinig yan?" Yan lang ang kaya kong sabihin..

Nang minsan nakita ko ang kaniyang pinapanood, hindi na ako nagtaka...Fliptop sa youtube.
Naapektuhan rin ang kaniyang pakikipag-usap sa iba...
Minsan pag kausap ko siya, may mga salitang alam mo na kung saan niya napulot.
Hindi ko rin naman siya masisisi, wala na lang akong magawa kundi ang pagsabihan siya.

Kakaiba talaga ang naging impluwensya nito...
lalo na sa mga taong walang magawa kundi ang mag net maghapon ang magbrowse sa youtube.

Nung kasikatan nito, kahit saan ako magpunta, nakakarinig ako na pinag-uusapan nila ito.

Oo nga at nakakatuwa silang panooring maglaitan, magmurahan..
hindi na ko bata para magkunwaring tatakpan ko ang aking tenga kapag nakarinig ako ng mga bastos at malalaswang salita, pero buti sana kung mga ka-edad ko lang ang nakakapanood nito. 

Nang minsang pumasok ako sa trabaho, halos lahat ng tao doon ay nagpipilit bumo ng mga salitang magkakatugma.  Nakakatawa silang tignan na magkanda bulol-bulol sa mga salita nila at minsan, nagtugma nga pero ala namang sense.

Minsan sinubukan kong gawin yon, mahirap pala! Kailangan spontaneous ka.
Tulad na lang call centers --- dapat mabilis kang mag isip ng isasagot o yung tinatwag nilang spontei..spontan...spontaneity!!!
Kailangan sa isang pitik, may laman na ang iyong dila para kapanipaniwala ka!!!

At biglang sumikat sa trabaho, at kahit sa kalye ang phrase na "Alam mo Loonie!"
Kahit hindi naman ako si Loonie, pag ako ang kakausapin, tangina laging may ganon sa umpisa...nakakaburat!

Oo nga siguro at nakakaaliw silang pakinggan, nakakatuwa ang mga binibitawang salita...
Nalilibang akong panuorin silang maglaitan.
Mahirap din ang kanilang ginagawa, biruin mo in a split second kailangan nakabuo ka na ng mga salitang nagtutugma at may sense...sagwa namin kasi sa pandinig kung walang rhyme.

Sa punto ko naman, sana yung ibang tao na nagpipilit maging talentado katulad ng mga napapanood nila sa youtube pero mga wala rin namang ibubuga, sumali na lang kayo sa pinoy henyo... atleast doon, pwede=pwede!!! Hindi! Oo!! yan lang ang sasabihin niyo...

Sa aking pamangkin, sana iwanan mo na lang sa harap ng kompyuter yang mga salitang napupulot mo dahil hindi magandang pakinggan para sa edad mo...

At sa mga taong patuloy na nanonnood, enjoy niyo lang...yang ang hilig niyo eh! Wala na akong pakialam don! Kaso naman pagmay kausap kayong iba, huwag niyo namang igaya sa napapanood niyo, ang pangit niyo eh!! Parang kabayong di mapa-tae pagnabubulol!

Alam mo Loonie!!
Tangina paulit-ulit sa utak ko ang salitang yan...
Daig pa ang may LSS...
Makapanood na nga lang ng mga commercials sa TV (gamot sa LSS).


 



 
 
 



 


  
 
 







 

1 hah?:

Anonymous said...

alam mo loonie....

may naiisip ka bang paraan para magabayan ng tama ang mga bata? lalo pa at isang click lang ang mga bagay na taboo pa para sa kanilang edad.. dati tv lang kaya mo silang gabayan, ngayon may net na rin.. di naman tayo laging nasa tabi nila upang sila ay bantayan..

sana alam mo loonie...


an_indecent_mind

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates