Oo na! Nagbago na ang aking layout..
Hindi madaling magpersonalize, sinubukan ko kaninang gumawa ng isa sanang obra gamit ang mga esh-ti-em-el na shit pero hindi ko kayang gumawa.
hindi sana mukhang pangbata ang aking blog ngayon (sniff).
Maganda sana kung larawan na lang kaya ng aking puday ang nilagay ko...
kaso baka madaming makakilala --ETCHOS!
Kaya ito ang kinalabasan...nag google ako ng nag google ng nag google hanggang sa ito napili ko...
Bakit? malamig sa mata (isip pa)...yon lang. Malamig sa mata.
Hindi ko alam kung anong koneksyon ng babaeng nakaupo sa sulok na may dalang puta tuta.
Pero ito na muna siguro ang gagamitin ko.
Kung pwede lang sanang ilagay at tadtarin ng larawan ko ang blog ko, gagawin ko sana..kaso ano pa ang sense na nagpaka-anonymous ako?
Baka meron pa kayong alam na ilagay na widgets na pwede kong isalpak sa blog kong pang virgin...paki sabi na lang...
Feeling ko tuloy, virgin na virgin ang dating ng layout ko...bagay na bagay sa akin -- CHOS!
Basta, ito na muna..
Friday, December 10, 2010
Ang Layout, Bow!
Isinulat ni Peanut sa 1:45 PMThursday, December 9, 2010
Regalo
Isinulat ni Peanut sa 8:28 PMika-labing-apat na buwan namin...
Lumipad ako patungo sa kaniya...mula sa kinauupuan patungong dulo ng mapa ng pinas!
Mahaba ang byahe...halos mauna na ang aking pechay dahil sa excitement na nadarama na makita sya.
Pero syempre, konting pagtitimpi lang..pechay, darating din tayo jan!
Pagbaba sa airport, hindi ko alam kung saan didiretso at kung saang direksyon ang tutunguhin...
tangina nagpasundo na lang sana ako.
Kaso nga naman, masisira ang churprise ko sa kaniya.
Nagmamadaling lumabas at naghanap ng taxi...tanong dito, tanong doon, at sa wakas, nakapagpahinga sa taxing ubod ng init...ang tipid ni manong drayber!
Makalipas ang halos isang oras na byahe, sakay naman ng tryke!
mantakin mo...eroplano, taxi, tryke.
"Kuya, sa Paraiso, don sa pangalawang bahay sa kaliwa ng simbahan tayo".
Nakarating ako at kumatok sa pink na gate.
Mga lalake talaga may pagka-color blind! di ko alam kung bakit naging pink ang tanginang gate na un!
Kumatok...
Peanut: Tok Tok Tok!!!
Boses sa loob ng pink na gate: fgdftdifuhdiufyhi (di ko kasi naintindihan).
Hindi ako umimik at hinintay na lamang na may magbukas ng gate na pink.
Pagbukas...
Nahulog ang aking panty...este ang aking dibdib!!
Si Lindol ko! Binuksan nya ang pinto at ang tanging suot ay ang boxers na bakat na bakat at nagsusumigaw ang kanyang kembelar!
Hindi ako makapagsalita, ganun din sya.
Kinuha nya ang aking nag-iisang bag at nauna na akong pumasok.
Nasa likod ko lamang sya.
pagdating sa loob ng bahay, dali-dali nya akong hinila at kinulong sa kanyang payatots na mga braso...
hinalikan na akala mo eat all you can sa fiesta ang drama...
Halos maligo na ako ng kanyang laway!
At syempre tao lang ako, nadala sa init ng kembot nya!
Wala pang ilang minuto, hubad na ang kaing damit sa kanilang sala.
Aba syempre, papatalo ba ako?
Walang kyeme-kyemeng ibinaba ko ang pink nyang boxer shorts.
Laway dito, laway doon...
supsup dito, supsup doon...
pasok dito, labas doon....
Tangina hangsaraapppp!!!!
Nakalipas ang jerjerang naganap....
hingal, pagod, antok at gutom.
Tangina..one of the best--i mean the best jerjers kahit na mabilisan kasi nasa living room nila kami..sa pinto pa naman!!!
Ganon kasabik...
ganon kasarap...
kahit ilang ulit...
Maya-maya, binyagan namin ang kusina nila.
Alas-diyes na ng gabi...
Malapit na ulit akong lumipad pabalik sa Manila....
Ayun! Bininyagan naman namin ang dining table!!!
Kung pwede lang sana maging propesyon ang pagiging sex slave ni Lindol ko... aapir ako!
Pabalik ng Manila...
Hanap ko agad ang mga init ng kanyang katawan...
Miss ko na agad ang hampas ng katawan nya sa aking maselang pechay!
Amoy jerjer ang aking buhok...napangiti pa ko habang inaamoy ko ang malagkit na buhok...
Muli kung hihintayin, aabangan ang pagbalik ko sa kanyang mga braso, at sana, sa pagkakataong yon, magtagal na ko...habambuhay..
Lumapag na ang eroplano...
Kasabay ng pagbalik ng isip ko sa kasalukuyan---sa katotohanan.
Tuesday, December 7, 2010
Mga Pangalang Huwag na Huwag Mong Gagamitin.
Isinulat ni Peanut sa 7:08 PMPaano kaya kung isa dito ay ang iyong tunay na pangalan....
1. Pablo Job
2. Jack Cole
3. Nadia Cole
4. Gina Cole
5. Pining Garcia
6. Rey Pinioco
7. Chino Pacia
8. Mally Vogue
9. Chino Paco Sia
10. Peng Germoco
11. Lina Mutac
12. Keena Joth
13. Agusta Mood
14. Tina Moran
15. Patty Ramos Saquin
16. Sally Bugna Mathay
17. Lucy T. Tinio
18. Neila Basan
19. Nilo Juran
**Salamat sa isang kaibigan sa pagpayag na i-post ito sa aking blog.
Friday, December 3, 2010
Alam mo Loonie!
Isinulat ni Peanut sa 11:33 AM"Ako'y walang-hiya pagdating sa entablado,
sungay na lang ang iyong kulang, mukha ka ng demonyo"
"Ang yabang mong pumorma akala mo hip-hop,
nagsasalita wala namang kausap"
"Napansin ko, ang lakas mong magdroga,
dapat nung eleksiyon, tumakbo ka
mula Pampanga hanggang Laguna
para makita mo yang fans mo pumapalakpak..
Wow! si Ram batak na batak"
"Tignan mo yang mukha mo, mukha kang engot,
ang hulma ng mukha mo, binilog na kulangot"
Kung mahilig ka sa youtube, maaaring pamilyar sa'yo ang mga nabasa mo. Yan ay mga ilan lamang sa salitang napulot ko ng minsang sinubukan kong manood ng kinagigiliwan ng mga kabataan ngayon, ang Fliptop.
Hindi ko alam kung saan at kung paano ito nagsimula, pero sa aking obserbasyon, malakas ang nagiging impluwensya nito sa kanilang mga manonood.
Naalala ko tuloy yong movie ni eminem, ang 8th Mile na kung saan ang tanging pinagkakakitaan niya ay tumayo sa entablado at lumaban ng free-style rap.
Minsang umuwi ako galing sa aking night shift, naabutan ko ang mga grupo ng kabataan na naka-istambay sa loob ng nakaparadang dyip, ang ingay nila! Tumigil ako sandali sa katabing tindahan at bumili ng sigarilyo habang ang aking atensyon ay nasa kanila. Aba, nagrarap ang mga gago...nagsasagutan ng insulto at mura ang mga ungaz! kahit na hindi na nagra-rhyme ang kanilang mga sinasabi, hala sige pa rin.
Sa sobrang laki ng epekto nitong youtube shembot na ito, minsang naitanong sa akin ng lalaki kong pamangkin
"Tita, ano ang tinggil?"
Paano ko sasagutin yon ng walang halong malisya?
Paano sasagutin ang onse anyos kong pamangkin?
"Saan mo narinig yan?" Yan lang ang kaya kong sabihin..
Nang minsan nakita ko ang kaniyang pinapanood, hindi na ako nagtaka...Fliptop sa youtube.
Naapektuhan rin ang kaniyang pakikipag-usap sa iba...
Minsan pag kausap ko siya, may mga salitang alam mo na kung saan niya napulot.
Hindi ko rin naman siya masisisi, wala na lang akong magawa kundi ang pagsabihan siya.
Kakaiba talaga ang naging impluwensya nito...
lalo na sa mga taong walang magawa kundi ang mag net maghapon ang magbrowse sa youtube.
Nung kasikatan nito, kahit saan ako magpunta, nakakarinig ako na pinag-uusapan nila ito.
Oo nga at nakakatuwa silang panooring maglaitan, magmurahan..
hindi na ko bata para magkunwaring tatakpan ko ang aking tenga kapag nakarinig ako ng mga bastos at malalaswang salita, pero buti sana kung mga ka-edad ko lang ang nakakapanood nito.
Nang minsang pumasok ako sa trabaho, halos lahat ng tao doon ay nagpipilit bumo ng mga salitang magkakatugma. Nakakatawa silang tignan na magkanda bulol-bulol sa mga salita nila at minsan, nagtugma nga pero ala namang sense.
Minsan sinubukan kong gawin yon, mahirap pala! Kailangan spontaneous ka.
Tulad na lang call centers --- dapat mabilis kang mag isip ng isasagot o yung tinatwag nilang spontei..spontan...spontaneity!!!
Kailangan sa isang pitik, may laman na ang iyong dila para kapanipaniwala ka!!!
At biglang sumikat sa trabaho, at kahit sa kalye ang phrase na "Alam mo Loonie!"
Kahit hindi naman ako si Loonie, pag ako ang kakausapin, tangina laging may ganon sa umpisa...nakakaburat!
Oo nga siguro at nakakaaliw silang pakinggan, nakakatuwa ang mga binibitawang salita...
Nalilibang akong panuorin silang maglaitan.
Mahirap din ang kanilang ginagawa, biruin mo in a split second kailangan nakabuo ka na ng mga salitang nagtutugma at may sense...sagwa namin kasi sa pandinig kung walang rhyme.
Sa punto ko naman, sana yung ibang tao na nagpipilit maging talentado katulad ng mga napapanood nila sa youtube pero mga wala rin namang ibubuga, sumali na lang kayo sa pinoy henyo... atleast doon, pwede=pwede!!! Hindi! Oo!! yan lang ang sasabihin niyo...
Sa aking pamangkin, sana iwanan mo na lang sa harap ng kompyuter yang mga salitang napupulot mo dahil hindi magandang pakinggan para sa edad mo...
At sa mga taong patuloy na nanonnood, enjoy niyo lang...yang ang hilig niyo eh! Wala na akong pakialam don! Kaso naman pagmay kausap kayong iba, huwag niyo namang igaya sa napapanood niyo, ang pangit niyo eh!! Parang kabayong di mapa-tae pagnabubulol!
Alam mo Loonie!!
Tangina paulit-ulit sa utak ko ang salitang yan...
Daig pa ang may LSS...
Makapanood na nga lang ng mga commercials sa TV (gamot sa LSS).
Wednesday, December 1, 2010
Diyosa sa Basurahan
Isinulat ni Peanut sa 10:44 PMGaano ka kalinis?
Mula ulo hanggang paa...gaano?
Lahat naman ng tao may mga baho sa sarili at kung meron isa jan na nagsasabing ubod ng linis ng kaniyang konsensya...iharap mo at sasampalin ko.
Mayroon ka bang natatanging tao na halos lahat ng baho mo ay alam?
Kumbaga sa baol, siya na yong taga tago ng maduming aspeto ng iyng pagkatao.
Nagpapasalamat na nga lang ako at mayroon akong kaibigan na halos karugtong na ng aking pusod...
Mayroon din namang mga bagay na hindi pa rin niya alam tungkol sa aking...
Mga sikretong ubod ng dumi na hindi ko kayang sabihin kahit sa anino ko...
Dirty little secrets ika nga...
Aking sikreto?
Sabagay, masamang manghusga sa taong di mo naman kilala...
Hay naku!
Kung ako lang...
Sangkatutak na sikreto ang aking pinakatatago-tago...
Pero mayroon akong katanungan sa sarili ko na kahit itanong ko sa iba...
Ngiti lang ang kaya nilang isagot...
Bakit kaya ang pinapanood ko lang na mahalay na palabas (oo porn!) ay yung may dalawang babae o kaya yung mga nagsasariling sikap?
Kapag ako nakaapanood ng babae at lalaki,
Ifoforward ko agad yan hanggan sa parteng ano...kainan...
Hindi naman ako lesbiana...
Sa totoong buhay wala naman akong nararamdamang paghanga sa ka uri ko...
In short, mas nakikiliti ang diwa ko sa same sex (babae) na nagtatalik o kaya'y doing the 'do'...
Hindi ko alam kung bakit...
Pero ito kasi ang nagtutulak sa akin minsan na i-jerjer ang sarili...
With matching tirik mata...
Pero kung iniimagine ko na ako mismo ang gagawa non sa ka uri ko...nandidiri pa nga ako...
Sa tingin ko, ok lang ito...
Kaniya kaniya tayo ng pantasya...
Kaniya kaniyang gusto...
Kaniya kaniyang hilig...
Kung san ka lalabasan--este! Masisiyahan, dun ka...
Basta't wala kang inaapakang tao...
Thursday, October 28, 2010
Tag-Hirap
Isinulat ni Peanut sa 3:37 PMKung sa iba ay nakakaramdam na obligasyon nilang i-update and kanilang blog sa abot ng kanilang oras...ako ay kung meron lang akong nararamdaman, tulad na lamang ng libog, sakit sa ulo, sakit sa mata, sakit sa kung ano ano pang bahagi ng aking pagkababae at lalo na ang pagkakirot...hindi lang ng aking pagnanasa kundi pati rin ng aking dibdib...hindi ito tungkol sa suso ko... tungkol ito sa laman ng aking dibdib...hinanakit..
Kung ang iyong pinakamamahal na tao ay abot-kamay mo lang...masuwerte ka!
Hindi ko naman sinasabing malas ako..
Pero sa huling banda..mahirap maghanap ng wala.
Wala -- malayo...
Ang lagi kong hanap...
Pag nakakaramdam ako ng lungkot o saya..ay siya!
Lalong-lalo na pagsapit ng madaling-araw, na kung saan pagyakap mo sa iyong tabi...tanging bagay na walang buhay ang iyong kayang hawakan..
Araw-araw ay napakalaking kawalan.
Sa mga araw na nais mong hawakan ang kaniyang mga mukha...maramdaman ang init ng kaniyang pagkakayakap sa iyo...
Malasahan ang kaniyang labi...at maghilamos ng kaniyang pagkalalaki...
Pero hindi mo magawa...Ni isang presensya niya ay hindi mo maamoy, hindi matikman at malasahan...
hindi ko matatawag na ito'y simpleng libog lang...
Ito ay pagnanasa na punong-puno ng emosyon...
Emosyon para sa taong hindi man lang halos maramdaman ang kaniyang hininga sa pagitan ng aking mga dibdib...
Emosyong walang katapat kung hininga ang puhunan ng iyong pagmamahal...
Sa dulo ng isang banda..
Maraming bagay ang lalong nagpapakahirap sa loob ko...
Dahil sa kami'y malayo sa isa't-isa...
Mahirap magkaintindihan...
Oo nga at nariyan ang telepono na halos nag-iinit sa aming maghapong usapan..
Pero ang mahirap ay ang mga oras ng tampuhan at kung may bagay na iyong kinakainisan, hindi mo siya kayang hampasin or tignan ng masama...
Napaka-helpless!
Wala kang magawa kundi ang ipitin sa iyong loob ang inis, tampo, at galit laban sa kaniya...
Dahil kahit anong gawin mong paggulong-gulong sa lupa...may mga taong manhid at di nakakaramdam...lalo na't kung sobrang layo ng inyong pagitan...
Ang hirap...
Sa aking adibdib...sa aking utak...at sa aking pagkababae..
Kung ganon lang kadaling umalis ng iyong taguan at lumabas sa mundong alam mong hindi ka mauubusan ng lalaking may kakayanan din makapagpaligaya sa iyong diwa...
Hindi na ako mag sasayang ni-isang segundo para hintayin ang kaniyang pinakakaingatang atensyon.
Para sa akin....dalawa lang naman yan-----
Masanay ka o di kaya'y magsawa ka!
Isa nanamang bitin
na kuwento...
galing sa isang maning lasing!
Tuesday, September 21, 2010
Muling Natagpuan...
Isinulat ni Peanut sa 1:57 PMBuwan ang binilang bago ko naharap muli ang oras para makapagsulat. Napakaraming pangyayari ang naganap pero napakakonting bagay ang sumaksak sa utak ko.
Hindi madaling magtago ng saloobin...
At hindi rin madaling humanap ng pagtatapunan nito...
Kaya minsan, sa kagustuhan kong mailabas ang lahat ng kuwentong nais kong ipamahagi, pipiliin ko na lamang manahimik at ikulong ang sariling nalalaman sa lugar kung saan walang nakakakilala...kung saan walang puwedeng humusga...kung saan mas kaya kong maging ako...
Dito sa blog na ito...
Na kahit gaano katagal na hindi ko ito napamugaran ng mga letra...andito pa rin siya, naghihintay na muling mabuhay ang mga letrang matagal nang tumutusok sa aking dibdib na naghihirap sumagap ng hangin dahil sa higpit ng pagkakayakap ng aking bra....
Makalipas ang isang minutong pagtatanggal ng balakid sa aking dibdib upang makadiskarte ng maayos sa harapan ng aking tala-pindutan...
Biglang nawala nanaman ang aking nais sabihin, simbilis ng pagkawala ng alaalang nais ko sanang itago at kupkupin at maghintay ng tamang pagkakataon na kusa siyang tatakbo sa aking utak habang kausap ko ang aking malupit na taga-pangasiwa ng aking mga sikreto--ang blog na ito...
Malakas ang ulan sa labas...
Hindi malayong mabasa ang aking sinampay...
At ang mas napagtuunan ng aking pansin...
Ang mga taong naglalaro sa ilalim ng lumuluhang langit...
Unang napuna ko ay ang mga batang tuwang-tuwa sa paliligo sa agusan ng alulod ng bubong ng aming kapit-bahay na tila ginagawa nila itong shower. Nakakatuwang panoorin lalo na't alam kong naghalong dumi, alikabok, ihi ng pusa, tae ng pusa, katas ng kalawang at kung anu-ano pang bagay na maaaring makasama sa kanilang balat o kalusugan ang dumadaloy sa bubong na iyon patungo sa kanilang katawan...
At napansin ko rin ang mga kalalakihan na nakaistambay sa di kalayuan na may hawak na sigarilyo ang mga nagsisipagligo rin sa ulan na kanina pa patuloy na lumalakas...
hindi ko alintana ang ngayo'y sobrang basa nang mga sinampay ko...
Palagi kong nababanggit dito sa aking blog...
Lahat ng nais kong sabihin--marumi man o malinis sa panlasa ng iba...hindi ko poproblemahin iyon dahil sigurado akong makakatulog ako ng maayos may kumontra man sa aking naisulat.
Sa pagkakatitig ko sa mga kalalakihang nakaistambay...
Para bang may magnet sa kanilang basketball shorts na tila nanghahalina sa aking mga mata...
At hinayaan ko lang mamasyal ang mga mata ko sa aking kapitbahay na naliligo sa ulan..
Hindi masamang mapalunok...
Hindi rin masamang tumitig pa ng kahit sandali pa...
libre ang tumingin...
Hindi ko gusto ang lalakeng pinaglalaruan ng aking mata...
Hindi dahil sa panget siya...
Kundi kilala ko na siya mula ng ako'y bata pa..
Sa katotohanan, may itsura siya...Panalo kumbaga...walang itatapon...di tulad ng mga hipon.
At nang ako'y halos maluha-luha na sa pagkakatitig dahil sa hindi na kumurap ang akin mata,
Nagsawa rin ako sa kaniyang bukol na nagsusumigaw sa loob ng kaniyang basketball shorts.
Hahaysss...
Isa na namang kuwentong nangyari lamang sa loob ngkinse-minutos...
Isang kuwentong hindi malaman kung anong nais ipahiwatig...
Isang kuwentong galing sa akin....
Monday, July 5, 2010
Nasaan Ako?
Isinulat ni Peanut sa 6:54 PMThursday, May 13, 2010
Breathe
Isinulat ni Peanut sa 1:13 PMNapaisip ako, kung ilang stick ba ng marlboro lights ang kaya kong ubusin sa isang beinte-kuwatro oras..
Araw-araw akong bumibili ng isang kaha nito at minsan nga, kulang pa ito sa buong magdamag.
May naalala ako na sinabi ng isa sa aking mga kaibigan ay ang isang stick ay nakakapagpabawas ng oras ng iyong buhay sa mundo.
Tinatamad akong magresearch tungkol dito or siguro, natatakot na rin akong malaman kung ano ang maaaring idulot nito sa aking kalusugan..
Hindi naman siguro masama na ipagwalang-bahala ang mga opinyon at mga medical issues tungkol sa dulot na sakit ng paninigarilyo..
Sagot ko ang sarili ko kung magkasakit man ako dito...
Lalong sagot ko ang sarili ko kung ang kalahati man ng aking katawan ay nahuhulog na sa hukay...
Pero papaano kaya kung malaman ko na konti na lang ang araw na natitira sa buhay ko dahil lang sa paninigarilyo?
Isali mo na ang beer at alak na iniinom ko sa ano mang oras na gustuhin ko...
Kung oras ko, oras ko na...
Kasalanan ko naman siguro na hindi ko inaalagaan ang aking sarili...
At muli kong naalala ang nabanggit sa akin ang kaibigang malandi na ang sex ay nakakapagpadagdag ng buhay...
Ang pakikipagtalik ay nakakatulong sa pagpapaganda ng kalusugan...
Inuulit ko..ito ay mga base lamang sa mga kuwentuhang 'coffee shop' ng aking mga kaibigan at wala akong balak iresearch ito.
So kung ang mga bisyong napili ko ay nakakapagpabawas ng taon ng aking pananatili sa mundong earth, at ang sex ay nakakatulong sa ating kalusugan...
mamarapatin ko na lang na balansehin ang lahat...
hindi na masama di ba?
Eh papaano kung hindi nito kayang balansehin ang dalawa?
hindi naman maaaring isang stick ng yosi o isang baso ng beer o bote ay tatapatan ko ng isang malupit na pakikipagtalik...
Baka maubos ang lalaking maaari kong matikman sa mga darating na araw...
Tsk!! Isang malupit na Tsk!
O di naman kaya..kung gusto ko naman ng clean living...
Sa boypren ko iraraaos ang pagbalanse ng aking mga bisyo...
Kawawa naman siya kung ganon.
Isipin mo, sa loob ng isang araw...ilang beses akong nagsisindi ng yosi...so kelangan ba talaga one is to one ang ratio?
Isang sex sa isang sigarilyo?
Eh di ang mangyayari nyan: Ihi na lang ang pahinga, sisilipan pa!
Lahat naman ng tao takot mamatay...
Yong ibang taong nagsasabing hindi sila takot mamatay...ayaw ko na lang magsalita.
Muli kong naisip habang nagsisindi nanaman ako ng sigarilyo:
Ang aking magiging mga huling kahilingan...
Masyado nang pamilyar ang tanong na yan at palagi..iba- iba ang sagot natin sa iba-ibang panahon...
Kahit ako, tanungin mo nyan ngayon, iba ang sagot ko kung ikukumpara mo ang sagot ko pagtatanungin mo ako sa susunod na buwan.
Ayaw kong maging maluho sa mga matitirang araw ko sa mundong earth...
Gusto ko simple...
Gusto ko tahimik...
Gusto ko masaya...
Gusto ko puno ng pagmamahal...
Gusto ko wala akong idea kung kailan ito darating...
Wala akong ideal na paraan para sa paraan o senaryo ng magandang pagkamatay ng natural
Dahil para sa akin...
Walang magandang senaryo... may iiyak at iiyak.
Pero ang mahalaga...
Naranasan mong mabuhay...
Natikman mo ang sarap ng ngumiti...
Natuto ka sa mga aral ng buhay kahit paulit ulit mong binabaluktot ang tama...
Nasaktan ka at nakabangon...
Gumanti ka at napahiya...
Kung hanggang saan ang aabutin ng buhay mo...
Walang nakakaalam...
Walang makakapagsabi...
Isang paraan lang ang alam ko kung papaano ito malalaman...
Ito ay kapag tumigil na iyong paghinga...
Tuesday, May 4, 2010
Bliss
Isinulat ni Peanut sa 1:42 PMPagdilat ko ng aking mga mata ay nakatingin siya muli sa akin. Pumunta siya sa aking harapan. May kakaibang ngiti siyang pinakawalan at inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga sabay bulong ng "i love you". Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking tenga pati na rin ng kaniyang katawan. Sinalubong ko ang kaniyang labi ng halik...
Naramdaman ko ang pagpasok niya sa akin at ang pagsabay ng malambot na kama sa alon ng aming galaw. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa akin habang minamasdan niya akong nakatitig pabalik sa kaniya at pinipigilan ang sariling sumabog...
Hindi nagtagal ay halos sabay naming naabot ang tanging rason kung bakit namin ginawa iyon. Nagtagal siya sa aking ibabaw at muli siyang tumitig sa akin..sabay inilapat ang kaniyang labi sa aking noo at bigla nanaman niyang binitawan ang salitang "mahal na mahal kita".
Ngumiti ako sabay hinawi ang kaniyang katawan at inabot ang sigarilyo na nasa gilid ng kama. Sinindihan ko iyon at tumitig ako sa kawalan....
Naisip ko...
Kung andito lang siya ngayon sa aking tabi...
Mas masarap maramdaman ang mga salitang kaniyang binitawan sa aking tenga...
Ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig habang siya ay kaharap ko at nakatitig sa akin...
Kung sana...katabi ko lang siya ngayon...
Sana....
Friday, April 16, 2010
Liar!
Isinulat ni Peanut sa 6:40 PMMas madaling magsinungaling kaysa magsabi ng totoo -- yan ang opinion ko.
Hindi ko sinasabing magaling ako sa sining ng pagsisinungaling pero madalas nakakalusot din. Ang dami-daming bagay kung bakit ang isang tao ay kinakailangang magsinungaling...minsan for emergency puroses, minsan para makapang-impress, minsan, para panatilihin lang ang magandang imahe ng sarili, minsan, para maka-convince, minsan, para makapanlinlang ng kapwa, minsan, ganun na talaga sya pinanganak--mistulang sinungaling. Ang daming rason kung bakit nagsisinungaling ang isang tao pero kahit anong rason pa yan..hindi tama.
Lahat ng tao nagsisinungaling. Kahit yang pari sa kapilya nyo pustahan tyo, nagsisinungaling yan. Lahat tayo lumalabag. Lahat tayo araw-araw nagsisinungaling minsan lang siguro hindi mo napapansin dahil sa sobrang babaw lang naman ng kasinungalingan. Kahit nga sa simpleng katanungan na "Okey ka lang, para kasing masama loob mo eh", sasagutin mo ng "Oo naman, wala namang dahilan para mag-inarte", kahit na sa loob-loob mo, gustong-gusto mo na syang sampalin dahil sa utang nyang hanggang ngayon ay hindi pa bayad at kailangan mo na ng pera.
Ang dami-daming paraan ng pagsisinungaling at madami ring paraan para mahuli mo ito. May mga tao kasing kaya nyang tignan ka ng diresto ng hindi manlang kumukurap kahit bugahan mo ng usok ang mata nya makapagsinungaling lang. May mga tao namang sa umpisa lang marunong magsinungaling at kapag tinanong mo ng tinanong...bumibigay din. Pero ang mahirap don, pag hindi mo gaano kilala ang isang tao, mahirap basahin kung sya ba ay nagsasabi ng totoo.
Totoong mahirap magpakatotoo.. lalo na sa mga taong alam mong hindi ka tanggap pag nalaman nila ang mga bagay o baho na pinakatatago mo. Kahit sa matalik mong kaibigan, madami ka ring bagay na hindi kayang sabihin o meron ka ring mga sinasabing hindi totoo.
Ako mismo, kaya pinili kong hindi ihayag sa mundo ng blog ang pangalan ko at ipamahagi ang link nito sa mga kaibigan ko ay dahil mas gusto kong maging malaya sa lahat ng nais kong sabihin. Gumagamit ako ng totoong pangalan ng aking mga kaibigan sa aking mga kuwento pero tunay na pangalan ko ang hinding-hindi ko kayang sabihin. Hindi dahil sa ikinakahiya ko ang sarili ko, kundi mas maganda na maging totoo ang laman ng blog ko, ang totoong laman ng utak ko. Mas pinili kong maglabas ng tunay na kalandian, libog, mga kalokohan kaysa ikalat ang pangalan ko at gawing wholesome ang blog ko---hindi na ako yon.
Lie at your own risk. Sa totoo lang, wala namang pumipigil sa kahit kanino na huwag magsinungaling. Kung sa tingin ng isang taong pinili magsinungaling ay makakabuti sa kaniya yon, eh di magsinungaling sya. At kahit na maraming taong tatamaan at masasagasaan dahil lang sa pinili ng isang taong magsinungaling, sige na lang din, kapalit lang naman non ay ang tiwqala ng bawat taong ginawan mo ng pagkakamali at sa mga taong makakachikahan ng taong niloko mo.
**Sa tagal kong nawala at hindi nakapag sulat, ito lng ang kinaya ng utak kong puno ng kamalisyosohan.
Sunday, April 4, 2010
Pain, Pain, Go Away!
Isinulat ni Peanut sa 12:40 PMGusto ko munang magpala-emotional ngayong araw na ito. Hindi naman dahil sa bagsak ang aking sex life kundi meron lang akong pinagdadaanan ngayon na kahit ako ay hindi makapag isip ng diretso.
Noong nakaraang Miyerkules, nais ko na sanang tapusin kong ano ang meron kaming dalawa. Hindi mabigat at hindi rin masasabing mababaw na dahilan. Kahit ako hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit at ano ang aking makatarungang dahilan para tapusin ang lahat.
Kahit papaano naman, hindi puro kalandian at libog ang laman ng dibdib ko. Inaamin kong mahilig akong umiwas sa usapang masyadong mabigat at emosyonal pero hindi ko akalain na pati ako susuko.
Ang pinaka mahirap at pinaka "risky" sa isang relasyon ay ang umasa kahit na alam mong suntok sa buwan ang ibang nais mong mangyari, natututo kang sumugal dahil nga--umaasa ka.
Ang sabi ng iba huwag kang masyadong umasa kasi baka ikaw rin ang magsisi at maiwang talunan...pero ganon pala yon, hindi mo rin pala kakayaning pigilan ang sarili mo na umasa lalo na sa taong gustong mong paglaanan ng buhay mo.
Sa napaka-ikling panahon at oras, nakuha niya ang loob ko..at hindi ko pinagsisihan yon dahil halos lunurin ako ng pagmamahal niya. At sa ginawa niyang yon, naging parte siya ng pag-ikot ng mundo ko..at umikot ang mundo ko sa kaniya..
Mali nga ba?
Paano nga ba naging mali ang umasa? Sa pagkakaalam ko..mahirap pigilin ito, mahirap turuan, at lalong mahirap tapusin.
Noong araw na yon, parang ang daming unan ang nakatakip sa mukha ko sa sobrang hirap huminga at sa sobrang bigat ng dinadala ng dibdib ko habang naririnig ko ang kaniyang pagsinghot, pag-iyak at pakiusap...
Tinanong ko siya...
Bakit ba sobrang bait mo sa akin? Bakit ganito mo ako ka-mahal? Bakit parang magiging kawalan ko pa?
Sa sobrang sinanay ko ang sarili ko na araw-araw ay alam kong nandyan lang sya para sa akin, paano bukas kung alam kong wala na siya?
Alam kong nasasaktan ko siya sa bawat salitang nasasabi ko sa mga oras na yon..at hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko na nasabi ko sa kaniya yon.
Marami kaming napag-usapan, ilang libong luha ang pinuhunan ko sa araw lang na yon at alam kong sya rin....
Natapos ang maghapon at nilunok ko rin ang mga nasabi ko...hindi ko pala talaga kaya.
Bakit hindi pa rin ako mapakali...
Meron ba akong hinahanap pa sa kaniya?
Inihanda ko ang sarili ko na pagkatapos ng usapang yon, alam kong hindi na magiging tulad ng dati--nasaktan ko na siya.
At tama nga ako, nangyari ang kinakatakutan ko, ang panlalamig nya.
Hindi ko alam kung bakit parang wala naman talagang nagbago sa kaniya pero nakakaramdam ako ng panlalamig galing sa kaniya.
Dahil nga sa akin. Dahil ipinakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kabilis sukuan..at pinagsisisihan ko lahat ng nagawa at nasabi ko sa kaniya.
Kahit na alam kong maayos na kami ngayon, may bigat pa rin..dahil alam kong may lamat na ang aming relasyon.
Hindi ko man masabi ng diretsuhan sa kaniya, pinagsisisihan ko ang mga nasabi ko.
Kaya mabigat sa dibdib ko ang nangyari at nangyayari-- dahil kahit gaano ko pa sya kamahal, kayang-kaya ko palang syang saktan.
At dahil sa pagmamahal na yan, handa akong muling magsakripisyo, at handa muli akong umasa..
Saturday, March 27, 2010
Kiss And Tell
Isinulat ni Peanut sa 7:06 PMPara sa mga kalalakihan, malamang may idea na kayo kung anu-ano ang mga pinag-uusapan ng babae kapag kami naman ang nagpapakalasing at wala kayo para ikahiya namin ang mag share ng aming mga puna. Pero mas gugustuhin mo sigurong mas malaman pa ng mas detalyado kung ano nga ang nilalaman ng aming usapan.
Para sa akin, mas gusto kong uminum na kami-kami lang ng aking mga babaeng kaibigan, mas nakakapaglabas ako o nakakapagbitaw ng opinion ng malaya dahil pare-pareho naman halos kami ng hilig.
Numero unong topic ay ang lalake. Hindi kailanman mawawala ito sa usapan at hindi ako papayag baka bigla na lang akong magpalpitate. Mapapansin mong mas gaganda ang usapan kung hahaluaan mo ang grupo ng bakla mong kaibigan na ipinagpipilitan na sya ay bisexual pero sa nakikita namin sya ay isang ganap na binabae (Jhed, tanggapin mo na kc puta!).
Since sanay na kami sa company ng isa't-isa, walang pretentions.
Hindi ko alam kung bakit nakikiliti ang mga babae at ang mga kabaklaan kung ang topic ay Nota. Ano ba ang meron sa putangnang Nota na yan at lagi itong bida sa usapang-lasing ng mga kababaihan?
Madalas pag-usapan ng mga babae ang kanilang latest sex experience..pambungad pa lang yan sa napaka-habang gabi ng inuman. Kasama sa kuwentong yan ay kung sino, saan, at papaano, nakailan, at ang pinakamapaghusgang katanungan---Nasarapan ka ba? Kung maririnig lang siguro ng lalake ang kadalasan naming sagot na "pwede na," Isa itong kuwestyon sa kaniyang pagkalalake at kakayanang makapagpaligaya.
Napag-uusapan din namin ang mga sukat ng Nota. Doon lumalabas ang pagka-bakla ng isang babae. Mapapansin mong kiliting-kiliti ang mga tawa kapag Nota na ang pinag-uusapan. Kahit sigurong babae na tatahi-tahimik at nagpapaka-feeling virgin at inosente ay mapapaliyad pagnakarinig ng gantong usapan.
Malaki ang pagkakaiba ng usapang-lasing ng mga babae sa lalake. Ang mga lalake hindi detalyado magkuwento at kahit isang salita lang ay kaya na nilang i-describe ang isang bagay. Hindi katulad ng mga babae--masyadong detalyado, masyadong madaming salita ang ginagamit bago matumbok ang gusto niyang sabihin. Tulad na lang ng gantong pag-uusap:
Girl one: Mare, kamusta ang aura mo kagabi? Malaki ba?
Girl two: Ay grabe! Hindi kinaya ng bangs ko ang sukat Mare! Nangawit ang jaw ko, ang sakit nga pagtumatawa ako, tapos sasabayan pa ng hapdi ng pim-pim ko. Piligroso mare!
(at ang ibig lang sabihin ni girl number two ay malaki ang nota ng naka-booking nya kagabi)
Pag ang lalake nagkukuwentuhan, hindi ganito ka personal.
Lalake one: Tol, kamusta lakad nyo ng GF mo kagabi? Magaling ba?
Lalake two: Okey lang tol, Giling na giling. Ang sarap. Parang pornstar lang!
(hindi nila pinag-usapan ang sukat,lapad at pakiramdam pagkatapos nila itong gawin)
Masarap talaga makinig sa usapang-lasing ng mga babae..andun na lahat! Mga kwentong pag-ibig na sasabayan pa minsan ng pag-iinarte at may biglang iiyak, mga kwentong jer-jer na kakapulutan ng aral para sa mga baguhan pa lamang,kwentong pamilya, kwentong jowa, kwentong booking, at iba't ibang uri ng kwentong nakakaaliw sa tenga.
Hindi ko nilalahat ang mga babae sa usapang ito. ANg gusto ko lang sabihin ay siguro nga..mas malalandi ang mga kaibigan ko kesa sa ibang babae dyan.
At inaamin ko, malandi rin ako at gustong-gusto kong mapag-usapan ang mga bagay na ito kasama ang aking mga kaibigan na hindi huhusgahan ang pagka-babae ko o ang mismong pagkatao ko dahil lamang sa one common interest namin...ang Nota.
Tuesday, March 23, 2010
Taste Buds
Isinulat ni Peanut sa 7:23 PMMarami na rin tayong naririnig tungkol sa spunk (mas maganda yata kung tawagin natin itong Tamod o Binhi ayon na rin sa wikipedia). Sa katunayan, marami rin mga kasabihan na hanggang ngayon ay walang linaw kung ito ay totoo dahil wala pang nagpapatotoo sa akin nito.
Unang kaloka: Ang paglunok ng binhi ay hindi kailanman nakakabuntis--tanging mga nagpapakainosente at nagpapakyut lang ang nagsasabing oo.
Pangalawang kaloka: Ang pagpahid ba ng binhi sa mga parteng like mong tubuan ng buhok--mapa-goatie yan,bigote or balbas sa pisngi ay epektibo...may nagsasabing oo ngunit wala pa akong nahanap na konkretong kasagutan tungkol jan.
Pangatlong kaloka: Ang binhi ay nagtataglay ng mga sangkap na maaaring makatulong sa ating kalusugan...
Yan ang tutumbukin ko ngayon.
Ang binhi ay 90% seminal fluids na kinapapalooban ng halos isang dosenang chemical components.
-Sugars: Fructose, sorbitol, inositol
-Proteins and amino acids: glutathione, deoxyribonucleic acid (DNA), creatine
-Minerals: Phosphorus, zinc, magnesium, calcium, potassium
-Vitamins: Ascorbic acid (vitamin C), vitamin B12, choline
-Hormones: Testosterone, prostaglandins
-Body byproducts: Lactic acid, urea, uric acid, nitrogen
Oh, dibah, talagang nagreasearch pa ako. Gusto ko lang din kasing malaman kung ano ang mga benepisyong makukuha ko kapag hindi sinasadyang makalunok ako nito (pwede ba yon, ano yon? nadapa na lang ako tapos bigla kong sasabihin na : ay nakalunok ako ng tamod syet!).
Kung ako ang tatanuning, kung handa ba akong kumain ng binhi, naisip ko itong mga bagay na ito:
1. Malinis ang paglunok ng binhi (tidy)--mas messy kung hahanap ka pa ng pagduduraan na towel tapos lalabhan mo pa ito kinabukasan.
2. Mas mabilis--hindi ito time consuming--hindi mo na kailangang tunakbo sa banyo para lang idura ito.
3. Nakakapagparelax ito sa iyong partner--para sa lalaki, nakakatensyon talaga ang blowjob at kadalasan ay hindi nila gaanong na-eenjoy ang climax, kaya ang payo ng mga eksperto ay ituloy ito hanggang sa sumabog ang iyong partner, at kung hanggat maaari, suck him dry.
4. Meron itong symbolo noong unang panahon. Ang akto ng paglunok ay nagsisignify ng pagtanggap,blessing at complete transformation.
5. Simbolo ng paggalang: para kang nakipag toast ng isang baso ng champagne at matapos mo itong inumin ay idudura mo lang? Wag maging bastos.
6.It is environmentally friendly--sabihin na natin ginawa niyo ito sa isang public park or sa isang sinehan, mdadagdagan ang kalat na tissues and paper towels at pag hindi naging maayos ang pagkakadispose nito ay maaaring makasira sa kalikasan at makakadagdag pa ito sa landfill problems.
Pero sa bandang huli--nasa sa inyo pa rin ang desisyon na Lunok or Di-Lunok.
At para sa mga interesado, siguraduhing healthy ang inyong partner. Lagi sana nating tandaan na "You Cum What You Eat". Konting payo lang kung ano ang dapat ipakain sa inyong parnter para naman hindi kagimbal-gimbal ang lasa ng kanyang binhi--maaari niyo syang palantakin ng pineapple juice,mga citrus fruits at cranberry juice,apple,melon,mango or grape para sa mas matamis na pagmamahalan.
Kaya lagi sana nating tandaan, ang binhi ay buhay...huwag sana nating aksayahin ang mga ganitong bagay dahil hindi lahat ay masarap. kakaunti na lamang siguro sila sa tingin ko..bakit kamo? Sikreto, walang clue.
**Salamat kay Philip sa pagbibigay ng pahintulot na ilagay ang piktyur ng kaniyang kapatid na si Derek sa blog na ito habang siya ay umiihi.
Monday, March 22, 2010
Galit Ako Sa Lindol
Isinulat ni Peanut sa 7:43 PMHindi sakuna ang ibig kong sabihin sa title ng blog ko.
Nagkaroon kasi kami ni boypren ng pwet names sa aming mga kwan para kahit mag-usap kami ng malakas ay konting kirot ng malisya lang ang maiiisip nila. Kaya dahil sa ideya kong yon, tinawag naming Peanut ang akin at Lindol naman ang kaniya. Ayan, medyo may depinisyon na ang salitang Lindol At Peanut sa makakabasa.
Sa oras na ito, alas-sais ng gabi, nagkaroon kami ng konting hindi pagkakaunawaan ni Ram. Tangina kasi, Manila to Davao na nga ang set-up kailangan ko pa ring makipag-agawan ng atensyon.
Maigi na lang sana kung babae ang dahilan ng pag-iinarte ko...nakakahiyang aminin, madalas kasing kalaban ko sa atensyon nya ang pagluluto, paghuhugas ng pinggan, at ang kaniyang character sa isang online game. Ang babaw pero gusto ko syang tanuning kung may plano pa ba syang maka-kain ng maning buhay? Kasi kung hindi sya interesado, madaming manginginom dyan sa tabi na namumulutan ng mani...at hindi ako mapapahiya.
Kung hindi ko mahal ang putanginang yon...hahayaan ko na lang kalimutan ang lahat at ibaon sa aking mani..i mean isipan ang kaniyang Lindol na syang inspirasyon ko sa araw araw na pagtahak ko ng aking buhay.
Kung tutuusin, ang laking sagabal sa aking isipan si Lindol. Pagnasa opisina ako, halos kainin ng isipan ko ang maugat na si Lindol. Tapos pag-uwi ko at atat na atat akong makausap sya minsan hindi ko pa makontak o minsan may ginagawa. Lalo na't tangina--laging brownout sa ibang panig ng Pilipinas kaya pakiramdam ko, kahit ako apektado. Pano ba naman, pagnalowbat ang gago, paano na?
Sa puntong ito, galit pa rin ako kahit bigla syang nag buzz at i-announce na pwede na kaming mag-usap. Minsan gusto ko syang tanungin...canteen ba ang bahay nyo at madalas ikaw ang nagluluto, naghuhugas at nag lilinis? tapos runner din sya ng kaniyang ama na panay ang utos na minsan naririnig ko sa kabilang linya. Tae kasi mga kapatid non, sana matuluyang ma-stroke ang mga hinayufak.
Ayan..nag YM si Ram..
As usual sorry si gago...
Miss ko lang talaga sya kaya nagpapakademanding ang lola mo!
Miss ko ren Lindol na araw araw SANA abot-kamay ko lang para kahit wala sya may Lindol ako. Pero malabo...kasi nakadikit si Lindol kay Ram.
Mabilis uminit ang ulo ko dahil una, malayo sya sa akin at ang hirap maghintay, pangalawa, magbiro ka na sa lasing at bagong gising wag lang sa taong tigang.
P.S.
Bati na kami bago ko natapos ito kasi...ano.