Mga Kuwento Ni Peanut: Phone Sex

Saturday, March 20, 2010

Phone Sex

Medyo pa-demure lang muna ako sa title para naman hindi gaanong malaswa. Nakakahiya na rin kasi baka kung anong sabihin ng iba pagtinagalog ko ang title ng blog na ito. Inisip kong masyadong maaga para sa kalibugan pero inuulit ko...blog ko to.
Masarap mag eksperimento habang humihinga ka pa at may asim pa. Marami kang naiisipang gawin. Pero nong nakaraang taon, disyembre , mejo nag upgrade nanaman ako ng aking personal na pamumuhay.
Nagkaroon ako ng isang relasyong hindi ideal sa nakararami. Naging Manila to Davao ang drama naming dalawa ni Ram. Nong una wala talaga si isip ko ang gumawa ng bagay na labag sa cycle ng nature. Kaso lagi kong sinasabi na kung may nagagawa man ako na hindi ayon sa iba..tao lang ako..nag-iinit din.
Dumating ang panahon na halos araw-araw na kaming nag-uusap ni Ram sa selepono (salamat sa unli ng globe). Siguro sa sobrang wala kaming mapag-usapan at imbes na pag-usapan namin ang naikuwento ko na kahapon, naisipan kong itaas ang level ng aming usapan. Hindi ko alam kung sanay siya sa ganong usapan..anong uri ba ng usapan kamo? Usapang malaswa..hindi ko rin sigurado kung okey sya sa ganong klase ng takbo ng usapan pero siguro, parehas kami ng dahilan, tao lang..at walang mawawala. 
Nagsimula sa pagtatanong kung kelan nya huling ginawa ang pag (anu ba ang matinong salita para sa pagbabate?)...ang pagto-toy ng kaniyang ano. Walang kyeme nyang sinagot ito na medyo matagal na nga raw. Normal na umikot ang usapan sa ganon. At hindi rin naman ako nagsinungaling nang sabihin ko kay Ram nakakagawa rin ako ng bagay -bagay na ako lang ang nakakakita..at alam mo na siguro ang tinutumbok ko.
Kaya nagfeeling dominante naman ako at nag-utos na akala mo ay sex slave ko sya. At sa inaasahang nangyari, sumunod naman sya na gawin ang mga pinapagawa kong bagay na makamundo (?).
Ang hindi ko inaasahan ay ang pagsasabi nya na mas maganda siguro kung marinig naman kitang ginagawa mo rin yon. At dahil madalas ay hanggang salita lang naman ang tapang ko sa ganon, agad akong naghanap ng parte sa aking bahay na kung saan malaya akong makakapag labas ng aking sabik (?). Pinili ko ang kwartong nasa ilalim ng hagdan. Dahil nga sa hindi ako marunong kung paano ang gagawin sa ganong sitwasyon, hinayaan ko na lang ang bibig ko na magsalita ng mga bagay na sa komiks mo lang mababasa. Ang mga salitang "oohhh..ahhhh(sabay bigkas ng pangalan ng kausap)"...Kung naranasan mo nang magbasa ng komiks sa xerex, alam mo tinutukoy ko.
At dahil nga sa tao lang ako, at kahit sinong tao sa mundong ito ay kayang-kaya mag-astang baboy, nagawa ko ito with flying orgasm. Oo...ask mo si Ram.
Natapos ang episode ng usapang yon sa selepono ng may kasamang hingal at gutom. 
Kahit ako, hindi ako makapaniwala sa sarili ko na pers taym ko lang nagawa ang bagay na yon. 
At hindi rin lang naman yon ang naging huli...nasundan ng nasundan yon ng hindi ko iniisip kong maganda ba or ang sagwa. 
Lahat naman ng tao may duming itinatago, lahat naman ng tao ay may kamanyakang angkin..yon nga lang, hindi pa nila gaano naeexplore ng maigi dahil na rin siguro sa kanilang pananaw na makitid...


7 hah?:

Jepoy said...

Xerex ikaw ba yan?!

Aylabet!

Stone-Cold Angel said...

naalala ko tuloy yun college days ko na uso yun crossline. Sulat ko yan sa next post ko.

Dami ko naka phone sex nun. konti lang ang tunay na babae at marami ang nagpapanggap na babae. pero ok lang. nag enjoy naman ako eh.

thanks pala sa pagbisita sa bahay ko. =)

Peanut said...

Hahaha..crossline? oldschool peo tumpak.

@jepoy...thanks muli...

Reyna Filipina said...

ganda.. tama naman eh, lahat my tntagong kahalayan.. :-P

Anonymous said...

bitin lang ang kwento mo..

Anonymous said...

im a cross liner too... i'll share to you all of my sexual fantasies sa lahat ng naka phone sex ko sa landline way back..para tuloy nabuhay dugo ko sa pag rekindle lahat ng yun-"chard35" here

Mikail said...

yurtdışı kargo
resimli magnet
instagram takipçi satın al
yurtdışı kargo
sms onay
dijital kartvizit
dijital kartvizit
https://nobetci-eczane.org/
RQN

Post a Comment

Template by:
Free Blog Templates